^

Pang Movies

LT sa Angeles, muna uuwi!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
LT sa Angeles, muna uuwi!

Dahil magkakaroon ng break si Lorna Tolentino sa taping ng Ang Pro­binsiyano naisip niya na sa Angeles house na lang ni Rhea Tan ng Beautederm maghintay pagbabalik-taping.

Ang layo kasi ng Vigan kung sandali lang naman ang break, eh mas mabuti ng dun siya manggaling sa Angeles na mas malapit kesa sa White Plains.

Mabuti naman dahil naisip nila ng Rhea na mag-pictorial na habang nandun sila at walang ginagawa. At samantalahin na ang break sa taping ng Probinsyano.

Talagang ang bait ni Rhea dahil pumayag siya na maging half way house ang isa niyang resthouse sa ­Angeles para kay LT.

Bongga talaga na ang mga ambassadors ng Beautederm na parang kapatid kung ituring ni Rhea.

Bongga rin na sa Martes sa TIPMMG 12/1 ng hapon sa Facebook at YouTube ng @pilipinostarngayon Beautederm sponsor natin.

Gladys, mas gusto nang mag-negosyo

Parang sobrang busy sa catering business nila ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas, Salve. Kasi nga marami na rin ang nakakaalam ng kanilang business at ngayon sa usung-uso na ang mga intimate meeting at mga small parties.

Pati nga si Pat-P Daza sa isa niyang meeting na-discover na ang catering ni Gladys at sinulat niya pa.

Sommereux ang pinili nilang name ng catering business, ang French surname ni Christopher, kaya sosyal pakinggan dahil kilala ang mga French sa masasarap na pagkain.

Kaya hindi kataka-taka na ayaw ni Gladys ang lock-in at madalas na swab test, kasi nga ay maganda ang takbo ngayon ng business nila.

vuukle comment

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with