^

Pang Movies

Xian, kakaibang feeling ang naramdaman kay Jennylyn

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Xian, kakaibang feeling ang naramdaman kay Jennylyn

Smooth at walang naging problema sa first taping day ng teleseryeng pagsasamahan nina Jennylyn Mercado at Xian Lim sa GMA na Love. Die. Repeat.
Nagkaroon ng magandang bonding ang buong cast at mabilis daw silang nagkasundo lahat.

Sey ni Jennylyn sa kanyang bagong leading man: “Happy ako dahil masayang kasama si Xian, magaling na aktor.”

Sagot naman ni Xian; “Since this is our first day, first time naming magkaeksena, first time naming mag-face to face and stuff so nakakatuwa lang. It’s a different feeling with Jennylyn, sina direk (Irene Villamor) and everyone else.”

Sa isang clip ng eksena nina Jen at Xian na gumaganap bilang mag-asawang sina Angela at Bernard, makikita na wala na silang ilangan sa kanilang pagtatrabaho.

At dahil kasama sa cast si Gardo Versoza, hindi puwedeng walang kuwelang TikTok video ang cast sa kanilang set.

Pelikula nina Joaquin at Andi, ‘di pa alam ang kapalaran sa MMFF

Tapos na ni Direk Perry Escano ang shooting ng pelikulang Caught in the Act na pinagbibidahan ng Gen Z stars na sina Joaquin Domagoso at Pinoy Big Brother Connect 2nd Big Placer Andi Abaya.
Naghihintay na lang daw si Direk Perry kung ano ang mangyayari sa film industry sa darating na mga buwan.

Intended kasi na maging official entry sa 2021 Metro Manila Film Festival ang Caught in the Act.
“We’re just waiting sa mga puwedeng mangyari. Kasi kung kaming producers at directors ang tatanungin, gusto naming maipalabas na sa mga sinehan ang pelikula namin, lalo na kapag MMFF, ‘di ba?

“Yun nga lang, may mga health protocol pa kailangan sundin natin kaya wala pang mga bukas na mga sinehan sa ngayon. Marami na rin ang nakaka-miss na manood sa big screen. Iba pa rin kasi ang sinehan kumpara sa nag-i-stream ka online,” sey ni Direk Perry.

Last year daw kasi, hindi ganun kalaki ang kinita ng naging entries ng 2020 MMFF dahil sa online streaming.

Naging risk pang mapirata ang mga pelikula dahil walang kontrol ang producers sa mga nanonood sa kanilang mga bahay.

Anyway, naging maayos naman daw ang lock-in shooting ng cast. Wala raw naging positive sa kanila sa COVID-19 dahil sinunod nila nang maayos ang safety and health protocols sa set.

Maglalabas naman ng original movie soundtrack ang Caught in the Act on Sept. 30. All original songs ang laman ng soundtrack na composed ni Bro. Alvin Barcelona at Henry Ong. Ire-release ito sa ilalim ng ABS-CBN Film Productions sa lahat ng digital platforms tulad ng Spotify, YouTube and Apple.

Britney Spears, pinapayuhang gumawa ng prenup agreement

After ma-engaged ni Britney Spears sa kanyang boyfriend of five years na si Sam Asghari, inabisuhan ang 39-year-old singer na magpagawa na ng prenuptial agreement para maprotektahan ang kanyang assets.

May net worth na $60 million si Britney at dahil pumayag nang bitawan ng kanyang amang si Jamie Spears ang conservatorship nito sa kanyang anak after 13 years, hawak na ni Britney ang pera nito at sana raw ay i-consider nitong magpagawa ng prenup para protektado siya at ang mga mamanahin ng dalawang anak niya.

Nagbiro pa ang 27-year old fiance ni Britney sa media na dapat daw ay siya rin ay magpagawa ng prenup para hindi mawala ang kanyang jeep at ang collection niya ng sapatos!

Nasubukan na raw ni Britney na magkaroon ng prenup noong pakasalan niya ang second husband niyang si Kevin Federline in 2004.

Walang nakuha si Federline na kalahati ng pera ni Britney noong mag-divorce sila in 2007.

Binigyan lang siya ng spousal support dahil kay Kevin ipinaubaya ng korte ang dalawang anak nila habang nasa rehab noon si Britney dahil sa public meltdown nito.

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with