^

Pang Movies

Agot, mag-aasawa ulit?!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Agot, mag-aasawa ulit?!
Agot

Ikaw, Salve A., may ideya ka ba kung mag-aasawang muli ang kilalang actress-singer na si Agot Isidro, now 55 years old.

Common knowledge na ikinasal siya sa kilalang businessman na si Manu Sandejas in year 2000.

Their marriage was annulled 10 years later, in 2010, to be exact.

Galing sa kilalang pamilya, the prominent Isidros, sa Marikina City si Agot (real first name: Maria Margarita).

But on her own, she made a name for herself in showbiz. Nakasama siya sa grupong na­ging background singers ni Sharon Cuneta. 

Bale ba, pumasok sa pagpo-produce ng pelikula ang kanyang lolo Narciso Isidro, na siyang nagtatag ng NGI Movie Production.

Agot had her chance to star in a sitcom, too, Oki, Doki, Doc, with Aga Muhlach playing her leading man.

Loren, sigurado nang magse-senador

Tiniyak na, Salve A., ni incumbent Deputy Speaker Loren Legarda ang pagtakbo niya for senator in the coming 2022 elections.

Ito’y naganap sa katatapos na presscon ng Our Fragile Earth which she hosted and, of course, presided as well.

If ever manalo siyang muli, and, deep inside us, we know, she will, it will be her fourth time na maging senador, as thrice na siyang nag-serve for the said important government position.

And twice, too, na nag-top siya sa Senate race.

A journalist first bago siya pumalaot sa pulitika, Congressman Loren of Antique Province has a number of advocacy.

But none can compare, though, sa pagmamahal niya sa ating environment.

Kaya, marami kaming ‘bow’ sa iyo, Rep. Loren.

Piolo, lumalayo sa mga kaibigan

Hangga’t maaari pala, Piolo Pascual keeps himself away from friends, more so, with his family.

Madalas daw kasi siya sa labas ng bahay. At ang takot na lang daw niya na maging carier of whatever kind of virus, if biglaang nakisalamuha siya with them.

Kung sabagay daw, most of the time ay nasa kanyang farm lang sa Mabini, Batangas si Piolo. Libang na libang daw siya sa pag-aasikaso sa kung anu-anong tanim mayroon siya sa kanyang bakuran.

It goes without saying na sa mga tanim na rin niyang ito, hina-harvest niya ang gulay na kanilang kinakain ng kanyang pamilya.

Those nga pala interested to know, busy pa rin si Piolo as an actor, as he has two films daw in the can, and an upco­ming TV series.

As a producer naman, may ginagawa raw sequel ang kanilang film and TV production nina direk Joyce Bernal at Erick Raymundo, Spring Films, sa kanilang hit movie, Kita Kita, released in 2017.

Sayang nga raw at ‘di natuloy ang siyuting ng sequel, na kukunan ang kabuuan sa Paris, France.

Yes, the sequel will again co-star Alessandra de Rossi at Empoy Marquez.

Gabbi, pang-IT girl

Bagama’t hindi busy with any TV or movie assignment si Gabbi Garcia, na ipalalabas pa lang ngayong September ang episode na ginawa nila ng reel and real-life BF, si Khalil Ramos, laman ang kanyang mukha ng mga kilalang babasahin, as may ilan nga siyang endorsements.

Hindi man napakaganda, nakakaengganyong tingnan si Gabbi. Bale ba, magaling siyang magsalita. Sabi nga, personification siya ng isang ‘It Girl.’

vuukle comment

AGOT ISIDRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with