^

Pang Movies

Yeng, nag-celebraate ng 15th Anniversary

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagbalik ang Kapamilya singer na si Yeng Constantino sa musical variety show na ASAP Natin ‘To noong nakaraang Sunday para
i-celebrate ang kanyang 15th anniversary sa showbiz. Si Yeng ang kauna-unahang winner ng reality talent show na Pinoy Dream Academy noong 2006. Pinasikat niya ang song na Hawak Kamay.

Kasamang nag-perform ni Yeng sa ASAP stage ay mga baguhang singers na sina Anji Salvacion, Diego Gutierrez, Sam Cruz, and Angela Ken. Inawit nila ang dalawang hit singles ni Yeng na Salamat and Ikaw.“Na-miss ko ang ASAP family natin. Siyempre, isa pong malaking karangalan ang maging parte ng ASAP dahil dito po talaga lahat ng mga premiere na mga performers. Nandito pa rin ako hanggang ngayon. So talagang I am very, very happy. ‘Yung pag-stay sa industry hanggang ngayon. Napakahirap po talaga gawin ito.”

Bukod sa pagiging singer, pinasok din ni Yeng ang acting. Ginawa niya ang mga indie films na Shift (2013) at The Eternity Between Seconds (2018).

Nanalo naman siya ng best supporting actress award para sa pelikulang Write About Love na isa sa official entries ng 2019 Metro Manila Film Festival.

Kinasal si Yeng noong 2015 sa kapwa musician na si Victor “Yan” Asuncion.

Neil, tatay na rin!

Isang daddy na ang Kapamilya actor na si Neil Coleta dahil naisilang na ng kanyang partner na si Chin Kee noong nakaraang September 3 ang kanilang baby girl na pinangalanan nilang Jazmin Chinnei Marie Coleta.

Nag-share rin si Chin ng photos ng kanilang baby sa kanyang IG. “Kasama kana namen Baby Jazmin. Worth it ‘yun sacrifices ko from day 1 up to now. Sob­rang ganda mo anak. Iba ‘yun feeling noon narinig ko iyak mo, nakita na kita at nilagay ka sa dibdib ko. Sobrang sarap at binuo mo yun pagkatao ko anak. Sisiguraduhin ko sayo na maging mabuti kaming magulang. Mahal na mahal ka namin Baby Jazmin.”

vuukle comment

YENG CONSTANTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with