^

Pang Movies

LT, tumatak na ang pagiging babaeng Eddie Garcia

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
LT, tumatak na ang pagiging babaeng Eddie Garcia
LT

Bongga naman ng Ang Probinsyano kung totoo na si Sharon Cuneta ang lalabas na nanay ni Julia Montes. Talagang dahil sa rami ng iba’t ibang big stars na isinali sa Probinsyano kaya kahit na ang tagal nito ay hindi pinagsawaan.

Kasi nga bawat big star na isali, iba ang ginagawang treatment. Gaya na lang na hindi mo aakalain na magiging main kontrabida pala si Lorna Tolentino. At very effective siya sa kanyang role kaya naman tuwang-tuwa si Coco Martin na talagang parang mainstay na si Lorna sa Probinsyano.

Ngayon nga na pumasok si Julia, tapos Sharon pa, parang talagang tinambakan na ng lahat ng lakas ang Probinsyano.

TIPMMG, na-miss ng followers!

Grabe ang pagka-miss namin nina Cristy Fermin, Mr. Fu, Salve sa Take It… Per Minute Me Ganun. Talagang nag-overtime kami nang hindi namin pinansin ha.

Kulang na nga lang ituluy-tuloy namin ang kuwentuhan kahit umabot pa ng dalawang oras. Lalo na at ang daming issue. Nakakatuwa lang dahil hindi bumitiw ang followers natin at maraming salamat talaga doon sa mga nagpadala ng mga little something, touching talaga. Ang sarap talaga ng feeling na alam mo ang dami ng nagmamahal sa iyo.

Hay naku, sana naman maging maayos na ang lahat para hindi bakasyon ang TIPMMG. Ang sarap talaga na alam mo na may solid na followers kayo na naghihintay kahit pa nga isang oras lang every Tuesday. Thank you kay Jun Lalin at Ruffa Gutierrez na nagdala ng regalo ni Riza sa amin, at kay Rita Magdalena na nakaalala sa amin nila Cristy. Grateful and thankful talaga. Next week ulit.

vuukle comment

LORNA TOLENTINO

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with