^

Pang Movies

Nakahanap ng outlet sa frustrations!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Walang eklay ito, mula sa puso. I have never felt so needed in my life, na para bang napaka-useful kong tao until now. You know why? Sa panahon ngayon ng pandemya, na ang daming problema all around us, naalala ko ang isang place na nalimutan ko na kung saan lugar na bibili ka ng mga plato, o anumang babasagin at ibabato mo sa pader para mawala ang galit mo, lungkot, o anumang problema sa buhay mo. After mabasag mo ang mga ibinato mo sa pader, back to normal ka, ramdam na nawala ‘yung galit, problema o lungkot na nadama mo.

Ang daming nagsasabi sa akin na sa edad ko na 74 dapat huwag akong papa­yag bastusin o i-disrespect ng tao. Nag-IG (instagram) ako, para may nagagawa, merong diversion ‘pag naiinip, may sinusulat sa mga naiisip ko bigla. At 74, meron na akong mga mali sa spelling, sa English, sa grammar, sa preposition o anuman kaya natatawa ako na very violent ang reaction sa ‘fall instead of pour, sa Pita instead of Fita.’

Dati sabi ko, I will never ever allow anyone na i-bash ako. Dahil confrontational akong tao. Pero nang binabasa ko na ang mga bashing, lalo na ang nagsasabing mukha akong pera, mabait lang ‘pag nabigyan ng regalo, nagkaroon ako ng eye opener na usually what you project, iyon ang perception sa iyo ng tao. Iyon ang image ko sa showbiz, mahilig humingi ng gift o kung minsan biro, na nasaan ang datung? Pero hindi ba nila naisip na gaano ba ako ka-influential o bakit naiisip nila na bakit at sino ba ako para katakutan?

Saka sa tagal ko sa showbiz, hanggang ngayon, na ganito na ako na semi-retired na, puwede pang mag-demand? Why? Sino ba ako? Tapos sa gitna ng napakara­ming problema sa paligid, isang 74 na matanda ang problema lang ay ang tumutulong bahay, sirang kuryente at walang dial tone na landline, parang unfair nga naman. Eh ang daming walang bahay, walang trabaho kahit mahusay mag-English, walang pera at mas bata pa sa akin, mas mabigat ang problema. Kaya siguro tambayan ng bashers ang IG account ko. Kaya siguro kaunting pagkakamali, violent reaction na sila. Kaloka.

vuukle comment

ENGLISH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with