^

Pang Movies

Lorna at Rosanna, nagkaayos na!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Lorna at Rosanna, nagkaayos na!

Isang magandang balita ngayon sa showbiz ang pagkakaayos nina Lorna Tolentino at Rosanna Roces na magkatrabaho ngayon sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Ito ang ibinalita ni Ogie Diaz sa kanyang latest vlog with Mama Loi. Si Osang daw mismo ang nagkwento na humingi na siya ng tawad kay LT sa set ng FPJAP last Monday, August 30.

Matatandaang noong nabubuhay pa ang mister ni LT na si Rudy Fernandez ay na-link ito kay Osang na siyang pinag-ugatan ng rift ng dalawang aktres.

And finally, pagkatapos ng mahahabang taon, nagwakas na ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa.

“Binati na ako ni LT. Ginawa ko niyakap ko. Tapos sabi ko, ‘Galit ka pa sa akin?’ Sabi niya, ‘Hindi na, ang tagal na nun.’ Niyakap ko ulit sabay sabi ko, ‘Sorry.’ Naiyak ako. Sabi niya, ‘Hayaan mo nasa langit na ‘yung isa,’” kwento ang ni Osang kay Ogie sa text na binasa naman ng huli sa vlog.

Dagdag pa ni Osang, “ang gaan sa pakiramdam, mare. Kinawayan niya ako. Tapos umakyat ako sa standby area nila. Doon ako nag-sorry. Kahapon magkaeksena kami pero hindi ako nakakuha ng tiyempo. Kanina lang. May nai-close na naman akong pahina.”

Maging ang bida raw ng FPJAP na si Coco Martin ay natuwa sa pagkaaayos ng dalawang aktres.

Rhen, na-excite kay Jao

Dahil sumikat si Jao Mapa noong late 90’s, hindi na siya naabutan ng isa sa mga sikat nating sexy stars ngayon na si Rhen Escaño. Kaya nang malaman daw niyang ito ang magiging leading man niya sa pelikulang Paraluman ay pinanood niya agad ang mga pelikula nito sa internet. “Kilala ko po siya. Nun’g sinabi po sa akin na siya po ‘yung magiging partner ko, kilala ko po talaga siya. Pero aminado po ako na hindi po ako ganu’n ka-aware sa mga nagawa ni Jao before, hindi ko rin masyadong napanood,” sey ni Rhen sa virtual mediacon ng Paraluman.

As for Jao, sobrang thankful naman niya na sa kanya ipinagkatiwala ang role since matagal na nga rin siyang hindi aktibo sa showbiz at sobrang happy rin niya na si Yam Laranas pa ang direktor na isa sa mga magagaling nating filmmakers.

Sa Paraluman ay ginagampanan nina Jao at Rhen ang papel na Peter at Mia respectively. Malaki ang agwat ng edad nila pero hindi ito magiging hadlang para mahulog ang loob nila sa isa’t isa.

Napili ni Direk Yam si Rhen na nag-iwan ng marka sa kanyang mga pagganap sa pelikulang Adan at Untrue, at ang 90s heartthrob at premyadong aktor na si Jao para sa role nila Mia at Peter.

Mapapanood na simula sa Sept. 24 ang Paraluman sa Vivamax streaming app.

vuukle comment

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with