^

Pang Movies

Ate Vi, inalala kay Luis ang hiwalayan nila ni Edu!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ate Vi, inalala kay Luis ang hiwalayan nila ni Edu!

Sa bagong vlog ni Luis Manzano ay nag-flashback ang ina niyang si Star For All Seasons Vilma Santos noong time na lumalaki siya at hiwalay na ito sa daddy niyang si Edu Manzano.

May tanong kasi ang isang netizen na “how was your relationship with Edu when Luis was growing up and now?”

Ayon kay ate Vi, four years old si Luis nang maghiwalay sila ni Edu at kinausap daw talaga nila personally ang anak para sabihin ang bagay na ito. “Kinausap talaga nila ako,” sey ni Luis.

Kwento ni Ate Vi, dinala raw nila sa Libingan ng mga Bayani si Luis para kausapin dahil wala raw tao roon. “And then, kinausap ka naming dalawa. And then kahit na four years old ka noon, ipinaliwanag namin kung ano ang nangyayari sa relationship namin at ipinaalam namin sa iyo na mahal ka naming dalawa,” kwento ni Vi sa anak.

Natatandaan pa raw niya ang isinagot ni Luis sa kanila. “Sabi lang niya sa amin, ‘it’s ok, boy need girl. Girl need boy.’ ‘Yun ang sinabi mo anak. Talaga,” kwento pa ni Vi.

Bagama’t hindi naging matagumpay ang kanilang pagsasama noon, ngayon naman daw ay napakaganda ng kanilang relasyon. “Kami ngayon ng dad mo, napakaganda ng aming pagsasamahan. Meron din siya at maligaya siya sa kanyang buhay ngayon. And same here, ‘di ba? Basta’t ang importante, we’re one family, anak,” sey ng Star For All Seasons at Congresswoman ng Lipa City.

Christian, nagpaka-intimate kay Sean

Ilang gay roles na rin ang ginampanan ni Christian Bables sa pelikula pero rito lang sa Bekis on the Run siya pumayag na magkaroon ng love scenes and kissing scenes sa kapwa lalaki. At ang direktor ng movie na si Joel Lamangan lang ang nakakumbinsi sa kanya.

Sey nga ng aktor sa virtual mediacon, hindi raw niya gagawin ‘yun kung hindi si direk Joel ang direktor. Inamin din niyang may mga pinagawa talaga si direk na wala sa script at isa na nga rito ang intimate scenes nila ni Sean de Guzman.

Ginagampanan nina Christian at Sean sa pelikula ang role na dating magdyowa at sa trailer nga ay may pasilip na ng kissing scene nilang dalawa.

When asked kung may ilangan ba habang kinukunan ang intimate scenes, ayon kay Sean ay wala naman dahil inihanda naman sila ni direk bago kunan ang eksena.

Ayon naman kay Christian, he was in character habang kinukunan ang eksena kaya hindi siya dapat makaramdam ng ilang. “Kasi alam mong parte ‘yun ng karakter mo at dapat ‘yung ginagawa ng karakter mo dahil tao siya. So, I think ‘yung ilang, hindi siya present at hindi siya dapat maging present sa amin.

“Although parehas kaming lalaki ni Sean, wala, kasi nakita ko naman si Sean he’s very into his character din. Ako rin, lagi kong sinisurado na kapag tututuntong ako sa set ng kahit na sinuman, ako’y in character,” paliwanag ni Christian.

Bagama’t may pagka-comedy ang Bekis on the Run ay tatalakayin ng pelikula ang korapsyon at mga hindi napag-uusapang tema katulad ng mga gay men sa military.

Panoorin ang Bekis on the Run sa September 17, exclusively streaming sa Vivamax. Kasama rin sa pelikula sina Kylie Verzosa at Diego Loyzaga.

vuukle comment

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with