^

Pang Movies

Heart, ginaya si Julia Roberts!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Heart, ginaya si Julia Roberts!

Masaya ang #Charaught­Chronicles ni Heart Evangelista-Escudero sa Instagram dahil nagawa niyang ire-enact ang the famous “shopping scene” sa pelikulang Pretty Woman ni Julia Roberts.

Sa original 1990 movie, ginampanan ni Julia si Vivian, isang Hollywood hooker at naghahanap ito ng dress sa isang Rodeo Drive shop, pero inalipusta siya ng mga nagtatrabaho sa shop dahil hindi raw bagay ang tulad niya na isuot ang mga damit nila.

Noong bumalik si Vivian, nakapustura na siya at ‘di siya nakilala ng mga nanlait sa kanya sa dress shop. Ang immortal line ni Vivian ay: “You people work on commission, right? Big mistake. Big. Huge. I have to go shopping now.”

Sa version ni Heart, siya si Vivian at ang sty­list niyang si Kat Cruz-Villanueva ang mataray na shop assistant.

Hindi ito ang first video ng #CharaughtChronicles ni Heart. Nauna niyang ginaya si Audrey Hepburn sa famous scene nito sa tapat ng Tiffany’s New York sa pelikulang Breakfast At Tiffany’s. Naaliw ang netizens na ang iniinuman na kape ni Heart at mula sa garapon ng Nescafe na kanyang ine-endorse!

Mikee, nabuhayan ng dugo sa BTS

Ang South Korean boy band na BTS ang naging gamot ng Kapuso actress na si Mikee Quintos noong dumaan siya sa isang matinding krisis dahil sa pan­demya.

Ayon sa isa sa music artists ng GMA Playlist, nagsimula siyang mag-collect ng BTS merchandise dahil napapagaan nito ang kanyang kalooban. Masaya raw siya tuwing may nabibili siyang anumang merchandise ng BTS, kasama na roon ang isang signature drink na hindi niya binuksan. “In the middle of lockdown you have a lot of time to think, nagka-crisis ako. Umabot ako sa point na inisip ko kung gusto ko pang mag-artista. Tapos bumalik ‘yung fire ko, ‘yung drive ko after watching them (BTS), and hearing about them, ‘yung story nila na how they started. It was really hard nung umpisa.

“And look at them now. Ok if they can do that and they’re still humble so parang what’s wrong with starting again. When I see it in the store I buy it. Kasi napapa-happy ako, support ko ‘to sa kanila. Kikita sila rito kapag bumili ako,” kuwento ni Mikee.

Kaya muling nabuhayan daw si Mikee na ipagpatuloy ang kanyang career sa showbiz and at the same time, ipinagpapatuloy din niya ang kurso niyang architecture sa University of Santo Tomas.

Napapanood si Mikee sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento at magsisimula na siyang magsulat at mag-record ng original songs para sa GMA Playlist.

Bennifer, nag-Family day

Isang family day para kina Jennifer Lopez and Ben Affleck ang makasama ang kanilang mga anak sa panonood nila ng musical na Hamilton sa Los Angeles.

Bitbit ni J.Lo ang kanyang twins na sina Max and Emme. Si Ben naman ay dala sina Violet at Seraphina. Bonus na sinamahan ni Ben ang kanyang mother na si Chris. Hindi nakasama ang anak na lalake ni Ben na si Samuel dahil kasama nito ang inang si Jennifer Garner. Hindi ito ang first time na nakasama ng Bennifer ang kanilang mga anak. Nagkasama sila sa Magic Castle a few weeks ago.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA-ESCUDERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with