^

Pang Movies

Foreign stars, mas patok nang endorser sa mga pinoy?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Foreign stars, mas patok nang endorser sa mga pinoy?!
Jackie Chan

Para namang hindi na effective ang stars natin as endorsers. Nakakaloka na foreign stars ang nakikita mo na nag-e-endorse ng mga product o itong mga sikat na shopping apps.

Sabay lumabas sina Hyun Bin at Jackie Chan as endorsers ng dalawang sikat na shopping apps. Eh ang mga pinalitan nila ay mga sikat ding stars natin.

Ibig bang sabihin, mas gusto ng mga buyer ang foreign stars kesa sa locals? Kahit nga mga telecom companies, ganundin. Wala na bang magic ‘yung mga artista natin para humatak ng buyers?

 Kung ako nga, mas gusto ko pang makita ang sports idol natin dahil parang mas real, nakatanggap ng medalya, talagang nakita mong nagpagod at matibay ang katawan. ‘Pag vitamins ang pro­duct o pagkain, ‘di ba mas believable na athletes ang nagbebenta nito?

Ka-sad naman na pati sa commercials parang tinatalo na ang local talents natin. Kahit pa nga type ko ang Korean oppas o si Jackie Chan, mas gusto ko pa rin ang local stars natin.

O baka naman grabeng sumingil ang mga artista natin at mas mura pang lumalabas TF nina Hyun Bin at Jackie Chan? Kasi naman, pandemic na, dapat reality bites na ang lahat, huwag nang masyado mag-ilusyon pagdating sa presyo.

Derrick, mas tutok na sa career

Mabuti naman at very focus si Derrick Monasterio sa kanyang career. Masarap makita na heto at merong mga bagong generation ng stars na nagnanais mag-focus at maging seryoso sa kanilang career.

Medyo matagal na rin si Derrick sa showbiz, kung titingnan mo nga parang mabagal pa ang naging takbo ng career niya dahil parang at one point huminto ang andar nang mawala ang dapat sana ay binubuo na loveteam niya with another young star. Pero now, puwede namang maging independent leading man lang si Derrick, walang loveteam, kahit kanino puwede. At ‘pag ganyang siya mismo ay inaayos ang makabubuti para sa profession niya, malaking tulong na iyon para umangat siyang mabuti.

vuukle comment

JACKIE CHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with