^

Pang Movies

Lovelife ni Maja, tinututukan ni ­ Lloydie!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Lovelife ni Maja, tinututukan ni ­ Lloydie!
Maja

Ipagmamalaki ni Maja Salvador, isa ang kaibigang si John Lloyd Cruz sa mga taong hindi siya iniwan noong panahong nagkaroon ng controversy ang kanyang love life.

“Hindi ko makakalimutan ‘yung sinabi ni John Lloyd sa akin nung time na may issue ako sa love,” sey ni Maja sa tsikahan nila sa vlog ni Dra. Aivee Teo.

“Sabi niya, ‘ang bata mo para i-risk ang career mo.’ Noong sinabi niya ‘yun, tumatak talaga sa akin ‘yun,” patuloy ng aktres.

At walang masabi si Maja kay Lloydie bilang kaibigan dahil talaga naman daw nandiyan parati ang aktor para kumustahin siya.

“Everyday tumatawag ‘yan. Kunyari may taping ako, sabi niya, ‘Kumusta ka dyan sa set? Walang nang-aaway sa’yo? Sabihan mo ko kapag may nangbastos’ mga ganyan.

“So nandoon ‘yung okay… Okay lang ako kahit anong pinasok ko. At least I know, nandyan ‘yung friends ko,” pagbabahagi ni Maja.

Kaya naman hindi nakapagtatakang nang magtayo ng talent agency si Maja na Crown Artist Management, si Lloydie ang pinakauna niyang naging artist.

Mga anak ni Cong. Alfred, lahat artistahin

Pawang mga artistahin ang tatlong anak ni Congressman Alfred Vargas. Sa isang panayam ay natanong nga siya kung papayag ba siya sakaling may sumunod sa yapak niya bilang aktor.

“Oo naman,” sagot ni Cong. “Napakalaking parte ng buhay ko ang pagiging artista, ‘yan ang bumuhay sa pamilya ko. Pero I always tell them na never ko silang pipilitin kung ano man ang gusto nilang landas na tahakin. Malaki ang maitutulong ko if they become interested in this industry at lagi ko silang susuportahan and I’ll be the proudest father.”

Aniya ay kinakikitaan na rin niya ng interest sa sining ang tatlong anak.

“Actually, I see potential sa tatlo when it comes to the arts. Si Ching, ‘yung panganay ko, has the eye sa photography. Si Aryana naman loves performing. At ‘yung bunso ko, si Cristiano, laging ginagaya ang mga pinanuod namin sa Netflix. One time nga ginaya niya si Joey sa Friends, tawang-tawa kami. Mahalaga ang love and passion for the arts kahit hindi nila gawing profession. Art feeds your soul,” pahayag pa ni Quezon City 5th District Representative.

Isa si Alfred sa mga aktor/pulitiko natin na kahit nasa pulitika na ay never pa ring kinalimutan ang industriyang pinagmulan. Kapag kaya rin lang ng kanyang schedule ay tumatanggap pa rin siya ng proyekto. Huli siyang napanood sa Legal Wives at kahit maikli lang ang kanyang appea­rance ay nagmarka iyon sa mga mano­nood.

“Ac­ting will always be my passion, it’s my first love. But I knew that I was destined to be in public service. It’s my vocation. Simple lang naman ang reason kung bakit ako artista at kung bakit ako public servant. In both fields, I just want to inspire people in my own unique way. In that sense, I can create positive change. That’s my personal mission,” aniya.

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with