^

Pang Movies

Joey, inunahan si Jose Mari Chan

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Joey, inunahan si Jose Mari Chan
Joey

Balik-live muli ang Eat Bulaga kahapon. Nasa Cainta, Rizal kasi ang APT Studios at mahigpit ang protocols bago makapasok kaya safe lahat ang mga kasama sa show. Guest sa episode si Kakai Bautista. Ipinagmalaki niyang bakunada na siya at sumunod sa health protocols.

Samantala, naka-Zoom naman si Joey de Leon na nakagawa at naglapat na naman ng bagong lyrics ng isang Christmas song na akma sa sitwasyon ngayong pandemic!

Kung hindi kami nagkakamali, eh tatlong kanta na ang nalapatan ng bagong lyrics ni Joey, huh! Biro nga niya, mas naunahan pa niyang kumanta ng Christmas song si Jose Mari Chan na sa tuwing papasok lang ang Ber months saka naghuhudyat na malapit na ang Pasko ay lumalabas na!

ECQ, ‘di pa alam ang kapalaran

Lumalabas talaga ang kakulitan ng ilang broadcasters sa tuwing malapit nang matapos ang pinaiiral na community quarantine sa bansa.

Eh lalo na ngayon, hanggang Biyernes ang taning ng ECQ o enhanced community quarantine sa Metro Manila at ibang lugar.

‘Yun nga lang, maiingat ang mga government official sa pagsagot. Pinag-uusapan pa, may meeting pa kami, ang ilan sa copypaste na sagot ng natatanong.

‘Yun at ‘yun din ang sagot sa paulit-ulit na tanong, huh! Walang bago, walang scoop na makuha.

Eh nang may kumalat sa social media na extended na raw hanggang August 30 ang ECQ, agad nagpalabas ng statement ang MMDA Chief na fake news ang lumabas!

Ke anong klaseng quarantine ‘yan, lalabas at lalabas pa rin ang mga tao na naghahanap ng datung!

vuukle comment

JOEY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with