^

Pang Movies

Albert, matagal nang nag-iisa sa buhay!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Albert, matagal nang nag-iisa sa buhay!

Headline mo kahapon, Salve, na open na ang relasyon nina Albert Martinez at Faith da Silva sa Pilipino Star NGAYON at Pang Masa. At dahil never nagkaroon ng fake news ang dalawang tabloids, marami agad ang nag-react dahil nga sa 40 years halos na age gap nila.

Wala namang masama kung sakali at magsama ang dalawa dahil pareho namang single. Matagal na ring balo si Albert, at dalaga naman at nasa edad na si Faith. Kung sakali, maganda ngang team-up dahil at least bata pa ang magiging misis ni Albert na makakasama niya sa buhay. Meron na yatang pamilya lahat ng anak nina Albert at Liezl, kaya wala na siyang kasama sa bahay.

At dahil matagal nang solo, baka nga nalungkot kaya naghanap ng makakasama sa buhay. At hindi naman masama na bata sa kanya ng 40 years ang mapili niya, guwapo pa rin at maganda pa ang physique ni Albert sa kanyang edad.

So, kung happy sila, dapat lahat happy. Matatanggap naman siguro ng mga anak ni Albert na magkaroon siya ng bagong kasama sa buhay dahil siyempre malungkot itong mag-isa. At iyang love affair na iyan nangyari sa taping ng kanilang serye sa GMA 7. Bongga ha, may trabaho na, may asawa pang nakita. Suwerte naman.

‘Sorry, wala na dapat paliwanag’

When you apologize dapat walang explanation, just say sorry. Hindi puwede na meron ka pang idudugtong sa sorry mo. Hindi iyon sorry kasi ganito, ganyan. Basta sorry, mali ako. Kaya hindi ako nagpapaliwanag sa comments sa IG ko ‘pag may pino-point out sila na mali ko. Hindi ko magawang magalit kasi tama naman sila. Puwede ko na sabihin, iba ang gusto kong ibigay na meaning kaya ganun ang ginamit ko na word, pero bakit kailangan pang i-correct eh ‘di ba kanya-kanya naman tayo ng opinyon?

Sa palagay ko, tama ako, sa palagay nila, sila ang tama, iyon lang, tapos na ang issue. Sabi ko nga, basta wala lang bastusan, lahat ng comment tanggap ko, constructive para sa akin iyon, eye opener. So no problem. Natatawa nga ako, at talagang tanggap ko na ‘pag hindi ka talaga English speaking, sure marami kang magiging palpak sa mga preposition at verbs na gagamitin mo. Saka, ‘pag hindi ka talaga fluent, pag-pronounce mo ng words, sure magkakamali ka.

Salamat sa isang follower ko na nagsabi, ‘di baleng wrong English, huwag lang wrong ang desisyon, hah hah, thanks talaga. Kaya nga natutuwa ako ‘pag may comments dahil marami rin akong natututuhan, saka pagbigyan n’yo na ang isang 74 years old na mas gusto ‘yung fall dahil malakas na bagsak, kesa pour na buhos lang, hah hah. Pati kasi utak ko, sobrang naughty, kaya ‘yung usage ng words naiiba. 

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with