^

Pang Movies

Totohanan daw ang relasyon kay Albert, Faith magiging lola agad sa edad na 20?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Totohanan daw ang relasyon kay Albert, Faith magiging lola agad sa edad na 20?!

So ‘yun nga sabi ng source, for real diumano talaga ang nangyari kina Albert Martinez and Faith da Silva. Hindi lang basta tikiman. Hahaha.

At hindi lang din daw para sa promo ng ginagawa nilang Kapuso teleserye na Las Hermanas.

Nauna nang pinag-usapan na madalas nga raw nagbababad si Faith na anak ng jailed actor na si Dennis da Silva sa room ng balong actor habang nasa taping sila.

Mismong ang mga staff at kasamahan nila sa taping ang nakakapansin sa kakaibang closeness diumano nila. Ang duda ng iba, baka naghahanap ang baguhang Kapuso star ng father figure since hindi niya nakasama sa paglaki ang ama.

Forty years ang age gap nila. Sixty years old si Albert at 20 years old si Faith.

Anyway, sa nakaraang interview, ikinuwento ni Faith na sa totoong buhay daw talaga ay malakas ang kanyang loob.  “Before mag-start ‘yung lock-in ta­ping, I was so pressured so I think nakatulong sa akin ‘yung pag-woworkout ko because naging confident ako. In this project, ibibigay ko talaga lahat ng meron ako, ibibigay ko ‘yung buong puso ko.” Dagdag pa ni Faith, nakaka-relate raw siya sa role na ipinagkatiwala sa kanya dahil sa totoong buhay ay malakas din ang kanyang loob at determinado siyang makuha ang gusto.

So wala namang masama, hindi na bago ang May-December affair at wala naman sila parehong sabit. ‘Yun nga lang magiging instant lola siya dahil may tatlong apo na ang aktor. 

Movie nina Daniel at Charo, wagi sa Locarno

Nanalo ang pelikulang Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine) ng Cinema & Gioventù Prize (Youth Jury Prize) sa naganap na 74th Locarno Film Festival. Ito ‘yung pelikula nina Daniel Padilla, Charo Santos Concio and Rans Rifol, directed by Carlo Francisco Manatad and produced by Armi Rae Cacanindin na base sa karanasan ng mismong direktor sa aftermath of Typhoon Haiyan (Yolanda). Nakipag-compete sila sa Locarno’s Concorso Cineasti del presente section.

Mismong si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Diño ang isa sa mga nag-update tungkol dito.

Ito ay co-production between the Philippines and France, with co-producers and funding from Singapore, Indonesia, Germany and Qatar na recipient ng FDCP FilmPhilippines International Coproduction Fund.

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with