^

Pang Movies

Iza, uunahan si Jane sa Darna!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Iza, uunahan si Jane sa Darna!
Iza.

Alam mo, Salve A., malapit nang lumipad  sa telebisyon ang bagong Darna TV series na pagbibidahan ni Jane de Leon (22), dating miyembro ng Girltrends, ang dating all-female dance group ng noontime show na It’s Showtime.

Although nagawa na rin noong 2005 at 2008 ang Darna sa TV na pinagbidahan nina Angel Locsin at Marian Rivera sa GMA, ang bagong Darna sa telebisyon ay pagbibidahan ni Jane de Leon with Iza Calzado playing the original mother of Narda (Jane). Bilang original Darna, ipapasa ni Iza sa kanyang anak na si Narda ang makapangyarihang bato which will transform her sa pagiging Darna.

Tulad ng alam ng marami, nagkaroon ng maraming problema ang bagong Darna project which was originally para sa isang bagong movie version ng Pinoy heroine na pagbibidahan sana ni Angel Locsin under Star Cinema na nakatakda sanang idirek ni Erik Matti. Pero bago pa man nagsimula ang shooting ni Angel ay nag-back out ito noong taong 2015 dahil sa kanyang back injury sanhi ng kanyang pagti-training. Two years later, it was announced na si Liza Soberano na ang gaganap sa papel na iniwan ni Angel at nagsimula na rin siyang mag-training for the role. Nakatakda na rin sanang simulan ang filming ng pelikula nang umatras naman si Direk Erik sa project at pumalit sa kanya ang writer-director na si Jer­rold Tarog. Pero bago rin simulan ang project ni Direk Jerrold ay nag-back out naman si Liza dahil sa pagkakaroon nito ng finger injury na naoperahan pa sa Amerika. 

July 2019 nang i-anunsyo ng Star Cinema na may bago na silang Darna sa katauhan ni Jane de Leon at kasunod na rito ang shooting ng movie na nagsimula noong January 20, 2020. Dahil sa laki na ng inabot ng production na umano’y P140M, nagdesisyon ang Star Cinema na itigil na ang filming ng movie hanggang sa ito’y abutan ng lockdown at pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN na naging dahilan ng pagkawala ng maraming programa ng ABS-CBN. Gayunpaman, nagdesisyon ang ABS-CBN na ituloy ang Darna project pero hindi na sa pelikula kundi sa pamamagitan ng isang TV series, ang Mars Ravelo’s Darna: The TV Series na pagbibidahan pa rin ni Jane.

Naging napakagandang exposure at training ground kay Jane ang  ilang buwan niyang pagiging bahagi ng Ang Probinsyano kaya hinog na siya sa kanyang pagganap bilang bagong Darna.

Samantala, kung si Jane de Leon ang modern Darna, ang nasabing role ay u­nang ginampanan sa pelikula ng dating movie queen-actress na si Rosa del Rosario in 1951. Marami-rami na ring iba’t ibang aktres ang gumanap sa role na katha ni Mars Ravelo at ng artist na si Nestor Redondo na nalathala sa Pilipino Komiks simula noong May 13, 1950.  Ang unang Darna ay idinirek at produced ng ama ni Fernando Poe, Jr. na si Fernado Poe, Sr. in 1951 at ipinalabas sa Clover Theater in Sta. Cruz, Manila at naging malaking hit.

Although hindi pa nagre-release ang ABS-CBN ng buong cast ng Darna TV series, bukod kina Jane at Iza, makakasama rin sa nasabing serye si Paulo Avelino. Taping starts in September.

Rhen, gumagawa ng pelikula sa Singapore

Nasa Singapore ngayon ang mahusay na actress at sexy star ng Viva na si Rhen Escaño para sa shoo­ting ng kanyang kauna-unahang international project, isang love-story movie directed by a Singaporean director na si Sean Ng at Indonesian actor naman ang kanyang kapareha na ang pangalan ay Trung.

Bago umalis last month si Rhen ay tumulong muna siya sa promo ng The Other Wife na pinagsamahan nila nina Lovi Poe at Joem Bascon and was streamed on Vivamax at iba pang digital platforms. Next month ay ipapalabas naman sa Vivamax ang pinakabagong movie ni Rhen, ang Paraluman na pinagtatambalan nila ni Jao Mapa mula at panulat direksiyon ni Yam Laranas.

 

vuukle comment

IZA CALZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with