^

Pang Movies

Nash Aguas, sinangkot sa kontrobersiya ng Nas Academy

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Nash Aguas, sinangkot sa kontrobersiya ng Nas Academy
Nash

Mas gusto ng netizens ang inilabas na official statement ng Kapuso Mo, Jessica Soho tungkol sa controversial na Nas Academy kesa official statement ng Cornerstone at Catriona Gray. Nakasulat sa official statement ng KMJS na hindi na nila itutuloy ang Jessica Soho course, eh ‘yung kay Catriona, ititigil lang ang pagtanggap ng new applicants hanggang hindi naaayos ang Whang-Od controversy.

Heto ang official statement ng KMJS:

“In light of recent events, and after our team’s series of communications with Nas Academy, we decided and mutually agreed not to pursue the Jessica Soho course,

Nas Academy has informed us that they are working with the NCIP. We hope for the resolution of all issues raised.”

Mukhang hindi titigil ang Nas Academy kahit na magkaroon ng base dito sa bansa dahil within two years, magbubukas daw sila ng office rito na mag-e-employ ng Filipino wor­kers. Aayusin daw muna nila ang kinasangkutang controversy.

Nakakatawa pala dahil may ibang Pinoy na akala si Nash Aguas ang may isyu, sinugod ang socmed nito at inaway. Mabuti may nagpaalala na iba si Nash Aguas sa Nas Academy.

KC, bampira ang tingin sa kanyang papa Gabby

Ang saya ng vlog ni KC Concepcion na tinawag niyang Kulitan with Papa at kasama niya ang amang si Gabby Concepcion at may special participation ang mga kapatid kay Gabby na sina Samantha at Savannah. May sinabi pa si KC na “When your family members are also your friends.”

Hindi nakita sa vlog si Savannah na sabi ni KC, “super cute and always smiling and making jokes.”

 Boses lang nito ang naririnig na nagtatanong kay Gabby. Nag-agree si KC na mukhang bampira si Gabby dahil hindi tumatanda at parang kuya lang niya at parang kapatid lang nina Samantha at Savannah.

Wala pang nagtanong kay KC sa reaction niya sa nabanggit ng mom niyang si Sharon Cuneta na gagawa na sila ng movie ni Gabby.

May nag-request kay KC na sana sa next vlog niya, ang siblings naman niya kay Sharon na sina Frankie, Miel, at Miguel ang kanyang makasama.

Richard, naagapan ang fake account

Mabilis na inaksyunan ni Richard Yap ang fake account sa Instagram ng isang Richard Leo na nagpapakilalang kasama siya sa social media management team ni Richard.

Walang takot si Richard Leo na nag-post ng “Top of the day to you ma’am. I’m from Richard’s Yap social media management team contracted to get feedback from active followers... i hope you don’t mind” at may kasama pang larawan niya na posibleng fake rin.

Sabi ni Richard Yap, “This is a scammer, I don’t know him, so be careful guys if he sends you a message.”

Hindi lang si Richard ang may fake IG account, pati ang anak niyang si Ashley, kaya pinost din ni Richard ang fake IG account ng anak at ang paalalang “Hi guys, this is not Ashley’s account and is not authorized by her.”

Samantala, nakabalik na mula sa Sorsogon sina Richard at ang ibang cast ng I Left My Heart in Sorsogon. Hindi nabanggit kung babalik pa ang cast sa Sorsogon o dito na sa Metro Manila kukunan ang mga natitirang eksena.

Tom, nagpaturok na rin

Kahapon lang nabakunahan si Tom Rodriguez at first dose pa lang ang itinurok sa kanya. Babalik siya for the second dose of Moderna vaccine na ginamit sa kanya sa pagpapabakuna.

Pinuri ni Tom ang LGU ng District 4 ng Quezon City dahil maayos ang proseso ng bakunahan at sa pinost nga nitong photos, nakaupo pa siya sa loob ng isang sinehan sa Robinsons Magnolia kung saan siya nagpabakuna.

Nabanggit ni Tom na kahit sa bakunahan, hinahanap si Brian (ang name ng karakter niya sa The World Between Us)  at Brian na rin ang tawag sa kanya. Mabuti at hindi hinanap ang hikaw niya.

Sa Chapter two ng TWBU na nagsimula noong Lunes, muling magkukrus ang landas nina Brian at Louie (Alden Richards) at panibagong pagpapahirap ang gagawin ni Brian kay Louie.

vuukle comment

NASH AGUAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with