^

Pang Movies

Standard ng happiness, kanya-kanyang choice!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

In life we set our own standard. Meron tayong iba-ibang standard sa beauty, sa happiness. Kaya hindi kataka-taka kung kahit sa kasal may iba-iba ring preparation ang bawat bride. Merong gusto nang magarbo kahit pa nga hirap ang preparation dahil pandemic, tulad ni Ara Mina. Meron naman sa una gusto sanang maging special ang wedding day niya, pero dahil sa sitwasyon, pinili na lang ‘yung simple tulad ni Angel Locsin.

Pero sa mga pinili nila, parehong naging maligaya sina Ara at Angel, dahil iyon na ang standard na pinili nila.

‘Yung standard of life na pinili nina Andi Eigenman, direk Rory Quintos at Chinchin Gutierrez, simple, hindi complicated, iyon ang naging happiness nila.

‘Yung iba naman, ‘yung luxury ng malaking bahay, mahal na kotse, iyon naman para sa kanila ang ultimate goal for their happiness, kaya subsob sila sa trabaho. Kanya-kanyang trip, kanya-kanyang gusto. Basta kung saan ka happy, doon ka. Kung saan ang inaakala mong magpapaligaya sa iyo, iyon ang gawin mong goal. Responsibility mo sa sarili mo ‘yung kaligayahan mo, your happiness is your own choice, ikaw lang ang makapagsasabi kung saan at ano ang ikaliligaya mo.

So, whatever it is that will make you happy, pursue, work for it dahil short lang ang buhay.

Coach ng silver at bronze medalists, inaapelang bigyan din ng biyaya

Mabuti naman at nabanggit ni Carlo Paalam na sana mabigyan din ng bonus ang mga coach nila na nagwagi ng silver at bronze. Gaya rin sa showbiz na ‘yung mga star lang ang napapansin, hindi nasasama sa popularidad ang buong team, ganun din yata sa sports. Kasi ‘yang tagumpay, team work iyan, kahit ‘yung taga­bigay ng tubig o utility kasali iyan sa pagod ng team. Parang sama-samang suwerte na pinag-isa.

Kaya sana sa rami ng natanggap nina Hidilyn Diaz, Carlo Paalam, Elmer Marcial at Nesthy Petecio, meron din sanang share ang mga coach, lahat ng nakasama nila sa ensayo. Sa mga coach ni Hidilyn, ok na so sana sa mga naka-silver at bronze magkaroon din ng pabuya ang bumubuo ng team.

Hindi mo naman maaabot ang tagumpay na mag-isa ka lang, siyempre meron kang katulong at kasama.

Mas masarap ‘yung feeling na lahat kayo happy, lahat nagdarasal na mas lalo pa ninyo marating ang tagumpay.

vuukle comment

ARA MINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with