^

Pang Movies

Angel at Neil, may malaking kasalan pa?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Naka-casual lang sina Angel Locsin at  Neil Arce nang ikasal sila noong Sabado. Tapos ay nag-post lang sila ng ilang pictures at tapos na.

Si Dimples Romana at asawa lang nito ang nagsilbing witness ng kasalan.

Kaya maraming nagsasabi na magkakaroon pa sila ng malaking kasalan. Kaya lang born again kasi si Angel at ganoon na rin naman yata si Neil, eh ang mga born again pastors, karamihan diyan ay wala namang faculty para magkasal nang legal kaya siguro nagpakasal muna sa sibil at susunod na born again ceremony na convalidation na lamang ng kanilang fellowship. Dito kasi sa atin, kailangang ang isang relihiyon ay kinikilala rin ng gobyerno para makakuha ng lisensiyang magkasal ang kanilang mga pastor.

Pero ano mang kasalan ang gusto nila bakit pa nga ba natin pakikialaman.

Sharon, pinu-push ang gagawin nila ni Gabby

Payag daw si Sharon Cuneta na gumawa silang muli ng pelikula ni Gabby Concepcion kung magre-retire na siya. Tama at iyon ang gawin niyang “swan song” para tiyak na kung mag-retire man siya maganda pa rin ang maiiwan niyang alaala sa fans.

Eh kung ngayon sila gagawa ng pelikula ni Gabby at sumalto, ano pa nga ba ang magagawa niya? Wala na siyang matatakbuhan. 

Sabi nga ng maraming observers, “she has played her cards.” Matapos na lumagabog ang indie na na­ging comeback niya, at nabigo pa siyang makuha ang best actress trophy ng Cinemalaya, talagang hinabol na nila ng kanyang career.

Itinambal siya kay Richard Gomez na isa sa pinakamalakas na naging leading man niya noon, wala rin. Itinambal siya kay Robin Padilla na leading man niya sa itinuturing na biggest box office hit of all time noon, bago iyon naagaw ng pelikula ni Kathryn Bernardo, pero wala pa rin.

Kaya last card na talaga si Gabby. Gawin na niya iyan kung talagang decided na siyang magretiro para kung ano man ang kalabasan, maganda pa rin.

PBB House, may bagong may-ari na?!

Mukha ngang tuluyan nang gigibain ang PBB (Pinoy Big Brother) house.

May announcement nang may maitatayo roong panibagong community. Bago naging PBB house, ang lugar na iyan ay naging office rin ng Viva Films.

Marami ang nanghihinayang pero ano nga ba ang magagawa mo kung kailangan na ring dispatsahin ang iba nilang properties.

Hindi naman nila ikinakaila na lugi sila sa ngayon at totoong mababa ang kanilang audience share dahil walang franchise sa free TV. Kung sakali naman at sila ay makabawi at makuhang muli ang franchise, eh di magtayo na lang sila ng bagong bahay somewhere.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

NEIL ARCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with