^

Pang Movies

Bela, indefinite ang paglalagi sa Switzerland

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Bela, indefinite ang paglalagi sa Switzerland
Bela

Question mark Salve A. kung babalikan pa ng actress, writer at director na si Bela Padilla ang kanyang showbiz career sa Pilipinas ngayong lumipad na ito patungong Switzerland for an indefinite stay to be with her Swiss-Italian boyfriend na si Norman Ben Bay.

Si Norman ay nakilala ni Bela nang mag-shooting sa Switzerland ang Meet Me In St. Gallen na pinagtambalan nila ni Carlo Aquino na dinirek ni Irene Villamor in 2018.  Since then ay nagpatuloy na ang komunikasyon ng dalawa.  Nag-meet-up din sila sa Turkey at ilang bahagi ng Europe bago siya nagdesisyon ng lumipad patungong Switzerland early this month. 

Kasunod na rin kaya ang pagpapakasal nila ni Norman tulad ni Yam Concepcion na kinasal sa New York?

Samantala, since kasalukuyang nasa Switzerland si Bela, nag-reunion sila roon ng kanyang kaibigang si Sarah Lahbati kasama ang dalawang anak nila ng husband niyang si Richard Gutierrez na sina Zion at Kai.  Naroon ang mag-asawang Richard at Sarah with the kids para bisitahin ang dad ni Sarah sa Geneva.

Piolo, mas abala sa pagiging producer

Tiyak na matutuwa ang fans and supporters ng 44-year-old actor-producer na si Piolo Pascual  dahil muli nila itong mapapanood sa Kapamilya Channel sa malapit na hinaharap.

Nung July 11 ay napanood si Piolo sa isang  AVP sa ASAP Natin `To na nagpapahiwatig ng kanyang patuloy na pagiging Kapamilya sa kabila ng kanyang pag-alis sa nasabing programa para gawin ang katapat na programa sa TV5, ang Sunday Noontime Live na pinagsamahan nila nina Maja Salvador, Catriona Gray at Jake Ejercito.  Si Jake ay bumalik na sa Star Magic habang si Maja naman ay nagtayo ng sarili nitong talent management company, ang Crown Artist Talent Management kung saan isa ang (dating) Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz sa mga contract talents.

Kung si Piolo ay nag-signify ng kanyang pagbabalik sa Kapamilya network, wala pang statement si Maja kung ito’y mananatiling independent talent ngayong meron na siyang sariling talent management company.

Kung babalik si Piolo sa ABS-CBN, nangangahulugan kayang muli itong babalik sa ASAP Natin `To kung saan siya maii-stay bago niya tinanggap ang Sunday Noontime Live ng TV5 produced ng Brightlight Productions ng businessman at dating politician na si Albee Benitez?

Nagpapatuloy naman si Piolo sa kanyang pagiging producer under Spring Films kung saan isa sa mga business partners niya ay  ang director na si Joyce Bernal.

Samantala, maganda ang film review at feedback ng unang tambalan nila ni Alessandra sa pelikulang My Amanda na streaming ngayon sa Netflix.

Ito bale ang directorial debut ni Alex (Alessandra) na siya rin ang sumulat at co-producer ng Spring Films at ng mag-asawang Jules Ledesma at Assunta de Rossi.  Dahil dito, inaasahan na magkakaroon ng follow-up project si Alex na siya rin ang star, writer at director.

vuukle comment

BELA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with