^

Pang Movies

Beteranong aktor na si Orestes Ojeda, namatay sa cancer

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Beteranong aktor na si Orestes Ojeda, namatay sa cancer
Orestes

Ganoon pala karami ang mga taong interesado kay Orestes Ojeda, na napansin lang namin noong yumao ang aktor noong Martes. Walang detalye noong una.

Si Orestes kasi, o si Luis Pagalilauan ay pinanatiling pribado ang kanyang buhay.

Isa siyang basketball player at estud­yante sa UE, nang makilala ni direk Joey Gosiengfiao at kinumbinsing mag-artista sa Cine Pilipino na ang producer ay kanyang kapatid din.

Nang pumayag, isinama siya sa isang pelikula ni Ariel Ureta, ang Zoom Zoom Superman. Ang character niya roon ay may bumangon mula sa lupa, naging isang tao at nakahubad na lumakad nang nakatalikod. Dahil sa eksenang iyon, natandaan si Orestes.

Marami pa silang nagawang pelikula sa Cine Pilipino, hanggang ang grupo na binubuo noon nina Joey Gosiengfiao, Douglas Quijano at iba pa ay lumipat naman sa Regal, kasama si Orestes na lumipat din.

Si Orestes rin ang isa sa mga actor na unang nagpa-sexy sa pelikula. Nakasabayan niya noon sa pagpapa-sexy si Ricky Belmonte.

At tumaas ang popularidad ni Orestes at hindi naglaon, nabalitang nag-asawa na siya. Pinakasalan niya ang kanyang first wife na kabilang sa pamilya ng mga artista, si Dianne Ramirez. Nagkaroon sila ng mga anak pero hindi nabalita kahit na kailan. Pinanatili ni Orestes na pribado ang kanyang pamilya.

Maski nga i-research ninyo sa internet sites ngayon wala kayong makukuhang info sa kanyang pamilya. Nagtagumpay talaga siya na maihiwalay ang kanyang pribadong buhay sa kanyang public image.

Hindi maliwanag sa amin ang kuwento pero nagkahiwalay din pala sila ng kanyang asawa matagal na at ngayon nga ay may iba na siyang partner.

Ang huli naming naalala kay Orestes ay iyong sinasabi niyang nagbukas siya ng isang art gallery, nang minsang masalubong namin siya sa Global City.

Si Orestes kasi noong bandang huli ay nagpipinta na rin, at nagnegosyo rin nga siya ng paintings, karamihan obra ng nga “masters.” Iyan ang mga paintings na milyon ang puhunan.

Kaya naman niya iyon. Mahusay humawak ng pera ang namayapang aktor. Nakaipon siya mula sa kanyang kinita at dahil sa negosyo napalaki rin niya ang kanyang puhunan.

Kilala ngayon sa art circles si Orestes bilang patron of the arts. Kaya nga matagal na siyang hindi lumalabas bilang artista.

Matagal na palang sakit ni Orestes ang pancreatic cancer. Labas pasok na rin daw siya sa ospital, hanggang noong Martes nga ng madaling araw, mga 4:13 ay bawian ng buhay ayon na rin sa kanyang death certificate.

Kinumpirma rin iyon ng kanyang anak na babae si Lois Nicole, na nagsabi ring magkakaroon ng wake na inaayos pa nila sa Heritage Chapels, at balak nilang maihatid siya sa huling hantungan sa Linggo, August 1.

Diyan natapos ang kuwento ng buhay ni Orestes.

Nakiramay naman ang marami sa industriya sa kanyang pagpanaw. Kabilang na sa nagpaabot agad ng pakikiramay ang aktres na si Gina Pareño na naging leading lady niya noong araw. Ganoon din si Ana Marie Gutierrez na naging leading lady niya sa pinakakontrobersiyal na pelikula niya noon, at sinasabi ring pinaka-bold na ginawa niya, ang Scorpio Nights.

vuukle comment

ORESTES OJEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with