^

Pang Movies

Cristine, nagka-anxiety sa lindol at baha

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Cristine, nagka-anxiety sa lindol at baha
Cristine

May takot pa rin si Cristine Reyes sa bagyo na matatandaang nagbigay ng traumatic experience sa kanya ilang taon na ang nakalipas.

Matatandaang noong 2009 ay lumubog ang bahay ni Cristine sa Provident Village, Marikina dahil sa super typhoon Ondoy. Kasama ang ina at mga pamangkin sinikap nilang makaakyat sa bubong ng kanilang bahay at doon siya ni-rescue ni Richard Gutierrez na sinagasa ang baha sakay ng speedboat.

At dahil sa walang tigil na pag-ulan dulot ng bagyong Fabian bukod pa sa lindol sa Batangas last Saturday, nagdulot na naman ito ng matinding takot kay Cristine.

Sa kanyang Instagram page kahapon ay inamin niyang naalala na naman niya ang matinding pinag­daanan sa Ondoy. “Living on top of a building and then waking up with an earthquake made me jump out of my bed feeling so terrified,” ang bungad ni Cristine. “This weather gives me anxiety. It reminded me of the devastating flash flood caused by typhoon “ondoy”. I have seen people got locked up trying to break their own windows and heard people screaming for help until you hear them no more..some drowned and some like me was able to swim fast whilst assisting my precious little nieces, little sister and my mom. We all climbed up on the roof with baby snakes and rats dang­ling on my/our body. It was horrible and traumatic,” pagre-recall ni Cristine. “In times like this.. when you have no control of things around you. There’s only one thing I consistently do. I speak to HIM. Bihira ako manalangin pero naiiyak ako kasi kahit minsan lang ako lumapit palagi siyang andyan. Palagi niya akong sinasamahan. Siya talaga ang sandalan nating lahat,” pahayag ng aktres.

Matteo, nagpakilig sa birthday ng kanyang superwoman na misis!

Pinakilig na naman ni Matteo Guidicelli ang Popsters and AshMatt fans nang batiin niya sa social media kahapon ang asawang si Sarah Geronimo sa kaarawan nito.

“Happy birthday my wife! Blessed to be beside a strong, beautiful, powerful, superwoman! Thank you for all the love. I love you forever,” ang birthday message ni Matteo kay Sarah sa IG.

Nag-trending din kahapon sa Twitter ang topic na “HappyBirthday SARAH G.” Sunud-sunod ang pagbati sa kanya ng kanyang Popsters and AshMatt fans.

Nagpost din ang fan account ni Sarah sa IG ng video ng munting selebrasyon kahapon kung saan ay makikitang nagbo-blow si Popstar ng candle sa cake habang kinakantahan siya ng birthday song ng ilang kaibigan. Of course, hindi puwedeng mawala sa tabi niya ang mister.

Anyway, Sarah just turned 33 yesterday at ito ang pangalawang kaarawan niya na Mrs. Guidicelli na.

vuukle comment

CRISTINE REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with