^

Pang Movies

Mga international celeb, dagsa sa training ni Sen. Manny

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Mga international celeb, dagsa sa training ni Sen. Manny

Sunud-sunod ang mga bumibisita kay Sen. Manny Pacquiao sa training nito sa Los Angeles, California bago ang laban niya sa August 21. Nakunan ng larawan nang bumisita sa kanya si Supercarblondie at may litrato rin si Manny kasama sina Apl.de.Ap at Jordan Clarkson, ang Fil-Am NBA player ng Utah Jazz.

Nauna nang bumisita kay Manny ang boxer ding si Logan Paul at sa mga susunod na araw marami pa tiyak ang bibisita sa training ni Manny, mga Pinoy at foreign celebrities na kaibigan niya.

In fairness sa comment box, walang nagtatanong kay Manny tungkol sa pulitika. Lahat ang wish ay maipanalo niya ang laban niya kay Errol Spence Jr.

Andrea, mabilis magmemorya ng script

Bumilib si Dennis Trillo kay Andrea Torres sa nakitang effort at paghahanda sa taping nila ng Legal Wives. Napansin ni Dennis na nagre-report sa taping si Andrea na hindi nito dala ang script at ang ibig sabihin noon, memoryado nito ang kanyang lines.

Samantalang siya, dala na ang script sa set, mine-memorize pa niya at paulit-ulit na binabasa the night before at pagkagising sa umaga para hindi niya makalimutan.

As for Andrea, nang makatrabaho finally si Dennis, nabawasan daw ang bucket list niya dahil matagal na pala niyang pinangarap makatrabaho ang aktor at dito lang sa Legal Wives natuloy.

Natanong pala si Andrea kung in real life ba papayag siyang maging isa sa tatlong asawa ng lalakeng mamahalin at pakakasalan niya?

“Parang ‘di ko kakayanin na tatlo kaming asawa. If I’m in a relationship, tutok ako magseselos ako kung may kahati ako. Gusto ko kaming dalawa lang sa relationship,” paliwanag nito.

Pedal ni Pidol, nilunsad sa kanyang birthday

Ang cute ni Eric Quizon, ginaya ang caricature ng amang si Dolphy na nasa litrato ng mobile food cart na ni-launch nilang magkakapatid at apo na si Boy2 Quizon ang mobile food cart na tinawag nilang Pedal Ni Pidol. Ito ay sa partnership ng MDM Ventures Corporation.

Itinaon sa birthday ni Dolphy kahapon, July 25, ang launching ng Pedal Ni Pidol na magbebenta ng street food gaya ng kwek kwek, kikiam, isaw, fish ball, squid ball at iba pang favorite na street food ng mga Pinoy.

Sabi ni Eric, “If there is one thing I cannot do is emulate my dad’s expressions, but for his birthday this July 25, i am trying to copy his caricature on the latest franchise cart, Pedal Ni Pido! At Pedal Ni Pidol. Happy birthday Pidol! At dahil birthday mo, handog namin ang food cart para sayo.”

Bumisita rin si Eric sa puntod ng ama sa The Heritage Park at nag-offer ng dasal sa ika-ninth death anniversary nito.

vuukle comment

MANNY PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with