^

Pang Movies

Mavy at Kyline, nagpakilig!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Mavy at Kyline, nagpakilig!
Mavy at Kyline

Super kilig ang netizens sa photos na lumabas nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara habang nasa lock-in taping sila ng I Left My Heart In Sorsogon.

Nakunan na ng eksena sina Mavy at Kyline habang naglalakad sila sa isang beach resort sa Sorsogon.

Hindi mawala sa mukha ni Mavy ang kanyang ngiti habang nakaangkla si Kyline sa braso niya. Inamin naman ni Mavy na crush niya si Kyline at napapangiti siya nito parati.

Kaya tiyak na maraming aabangan sa loveteam nina Mavy at Kyline sa teleserye nina Heart Evangelista, Paolo Contis at Richard Yap.

Ariella, pabor sa pagsali ng trans sa pageant

Pageant season na naman at sunud-sunod ang mga beauty pageant na magbibigay ng iba’t ibang titulo sa mga aspiring beauty queen.

Muli ngang natalakay ang issue kung tama lang bang pasalihin ang mga transgender women sa beauty pageant? Ito ang tinanong kay Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida.

Ayon kay Ariella, sa panahon ngayon, dapat tinatanggap ang presence ng transgenders sa society natin: “Nandito na tayo ngayon sa generation na lahat kailangang tanggapin natin at ‘yan naman ang ipinaglalaban ng bawat isa sa atin. So ako I don’t mind them joining the pageant.”

Pero nirerespeto naman daw ni Ariella ang rules ng iba’t ibang beauty pageants sa buong mundo, kasama na raw ang ang sarili nating pageants sa Pilipinas.

“Hindi naman natin kontrol kasi ang bawat countries may sariling rules sa pagsali ng pageant, so ito pa rin ay nakadepende sa local organization,” diin pa niya.

Anyway, may payo si Ariella sa mga aspiring beauty queen na lalaban sa mga pageant na Miss World Philippines at Miss Universe Philippines.“Every year pataas nang pataas ‘yung standard. So kumbaga hindi lang physical aspect ‘yung pinag-uusapan, pati ‘yung puso mo, emotionally, mental health mo, and of course, buong pagkatao mo kailangan i-ready mo. At pinakamahalaga, kilala mo dapat ang sarili mo.”

vuukle comment

KYLINE ALCANTARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with