^

Pang Movies

Gabby at Sanya ginagawan ng malisya kung kailan ‘hiwalay’ na

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Gabby at Sanya ginagawan ng malisya kung kailan �hiwalay� na

May naamoy na naman kaming gustong mang-intriga. Kung kailan tapos na ang serye nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez at hindi na nila kailangan ng publisidad, at saka naman may naglabas ng intimate photos ng dalawa.

Eh alam naman ninyo ang mga tao, marumi ang isip kung minsan. Pero kung titingnan mo namang mabuti ang mga pictures, wala namang malisya sa kanilang pagtatabi sa upuan.

May mga tao nga lang sigurong gustong gumawa ng ingay, at dahil alam naman nilang totoong marami ang malisyoso, iyon na.

Actually ang pagiging close ng mga artista, ine-encourage iyan sa trabaho nila, lalo na nga at ang ginawa nila ay isang love story. Kasi kung naiilang sila sa isa’t isa, mahahalata iyon at lalabas na corny pa ang kanilang palabas.

John, regular na ang pagiging direktor

Si John Prats na pala ang nagdidirek ng Showtime. May pictures pa si John habang nakaupo sa master control at nagbibigay ng direksiyon sa show.

Labing-isang taong hinawakan ng director na si Bobet Vidanes ang Showtime na ngayon ay siyang direcktor ng LOL ng TV5 na ang producer ay ang Brighlight Productions.

 Ngayong iba’t iba na ang director ng Showtime. May panahong sinasabi na ang nagdidirek ay si Alco Guerrero, ang director na anak ng TV executive na si Chit Guerrero. Tapos ngayon nga ay si John na rin pala.

Maganda naman iyon at na-discover nila na si John ay puwede palang director na dati nang nagdidirek ng mga concert.

Kasalukuyan pa rin namang napapanood si John sa Ang Probinsyano kaya hindi naman nabuburo ang kanyang pagiging aktor.

Male starlet may ebidensiya ang pagpatol sa bakla

Nagtatawanan sila nang diretsahang sabihin ng isang male starlet na hindi raw siya nagkaroon ng relasyon sa isang bading.
Umabot naman hanggang sa seventh floor ang kilay ng isang bading, na nagsabing, “ano? Baka hindi niya alam na nakabili ako ng kopya at nai-save ko ang isang sex video na may kasama siyang isang bading na kasali sa isang gay beauty contest sa TV noong araw. Inaamin din ng bading na kontesera na naging magsyota sila noong ang male starlet ay walang-wala pa,” sabi ni bading.

Iyan ang hirap ng may milagro. Hindi ka puwedeng magmalinis dahil tiyak may magre-react.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with