^

Pang Movies

Piolo, sinagot na ang paglipat sa GMA!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Piolo, sinagot na ang paglipat sa GMA!
Piolo

Tinuldukan na ni Piolo Pascual ang isyung iiwan niya ang ABS-CBN para lumipat sa GMA Network at sumunod kay Mr. Johnny Manahan na tatay-tatayan niya sa showbiz.

Ginawa kasi ito ni Piolo nang humawak ng show sa TV5 si Mr. M, kinuha niya sina Piolo at Maja Salvador to headline the show na wala na ngayon.

Na-interview si Piolo sa Cinema News ng ABS-CBN at malinaw ang kanyang pahayag sa isyung lilipat siya sa Kapuso Network. “I have never left and will never leave my Kapamilya. I am a Kapamilya through and through,” pahayag nito.

Sanya, Gabbi at Bianca, inuudyukang subukan ang beauty pageant

Tanong ng netizens kung okay ba sina Bianca Umali at Gabbi Garcia nang magkita sa isang private dinner para kay Miss Universe Philippines Rabiya Mateo. Hindi kuntento ang netizens sa nakita nilang mga larawan ng dalawa na nakangiti at magkatabi pa sa upuan sa nasabing event.

May rason ang pagtatanong ng netizens dahil may common denominator sina Bianca at Gabbi, si Bianca ang current GF ni Ruru Madrid na ex ni Gabbi. Nag-usap daw ba off-cam sina Bianca at Gabbi?

Sa nakita naman naming larawan, parehong nakangiti sina Bianca at Gabbi habang nagkukuwentuhan kasama si Sanya Lopez.

Saka, pareho nang masaya ang love life nina Bianca at Gabbi sa piling nina Ruru Madrid at Khalil Ramos respectively, ‘wag na nating intrigahin.

Curious din ang netizens kung bakit sa rami ng Kapuso aktres, ang tatlo lang ang imbitado sa private dinner para kay Rabiya. Kinukumbinsi raw ba ang tatlo na sumali sa beauty pageant?

Baste, naunahan ng nanay

Naunahan pa si Baste ng mom niya na balikan ang showbiz. Bawal pa rin ang mga bata na lumabas sa telebisyon, kaya hanggang ngayon, hindi pa rin nakababalik sa Eat Bulaga si Baste.

Pero, ang mommy ni Baste na si Sheila Granfon, lalabas sa The World Between Us, may photo sila ni Alden Richards na parang kuha sa taping. Si Baste pa ang nag-post ng photo ng ina at ni Alden.

Ang hindi nabanggit ni Baste ay kung ano ang gagampanang papel ng mommy niya sa TWBU. Sa litrato, nakabihis sila pareho ni Alden.

Speaking of Alden, may bonding ang aktor sa kanyang fans sa regions this Friday (July 23) na tinawag na Kapuso Fans Day on TV handog ng GMA Regional TV.  Dahil sa pandemic, hindi makabiyahe si Alden at ibang Kapuso stars para makipagkita sa kanilang fans, kaya virtual muna ang fans day.

Ang Kapuso Fans Day on TV ay napapanood every Friday, 8am., sa morning shows na airing sa local channels ng GMA RTV.

Heart,todo ang pagrampa sa Bicol

May nakita kaming behind the scene photo ni Heart Evangelista sa taping ng I Left Sorsogon  na ginagawa ngayon sa Sorsogon. Fashionistang-fashionista ang datingan ni Heart sa suot na LV pants, bitbit ang LV bag, at tiyak, branded din ang suot na tops at sapatos.

Fashion model yata ang role ni Heart bilang si Celeste sa kanyang comeback teleserye, kaya mag-i-enjoy ang kanyang fans sa kanyang isusuot mula sa bags, sapatos, damit at lahat-lahat na ng suot niya sa katawan at ginagamit.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with