^

Pang Movies

Kylie at Andrea, may trauma na sa lalaki?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Kylie at Andrea, may trauma na sa lalaki?!
Kylie at Andrea

Kung maraming gumagawa ng mga pelikula at serye tungkol sa mga bakla, isang pelikula naman ngayong tungkol sa mga lesbyana ang sinu-shoot.

At ang mga bida, si Kylie Padilla na kahihiwalay lamang sa asawang si Aljur Abrenica at si Andrea Torres na kahihiwalay din sa dating naka-live in na si Derek Ramsay.

Dahil ba frustrated sila sa kanilang relasyon sa tunay na lalaki kaya pumayag silang gumawa ng ganyang proyekto? Hindi naman siguro dahil iba naman ang lovelife kaysa sa role lang sa pelikula.

Ang hindi namin alam, malaki kaya ang lesbian market sa Pilipinas?

Mga taga-showbiz tambak sa eleksyon!

Mukhang mas marami pang artista ang sinasabing tatakbo sa national positions sa 2022, bagama’t walang makapagsasabi kung tuloy iyan hanggang hindi sila naghaharap ng certificate of candidacy sa Comelec.

Sa listahan diumano ni Presidente Digong, kasali  si Willie Revillame, at si Robin Padilla. May lumabas namang listahan ang isa pang partido kung saan isinama naman sina Congresswoman Vilma Santos Recto at Lucy Torres Gomez.

Mukhang si Cong. Lucy ay nakahandang harapin ang isang national elections, pero si Ate Vi, ipinipilit na wala pa siyang desisyon. Una na niyang tinanggihan ang alok ng 1Sambayan na tumakbo siyang presidente o vice president, hindi dahil sa hindi siya handa kundi talagang ayaw niya.

Una may mga proyekto pa raw siyang gustong matapos sa Batangas na dapat sana nagawa na niya kung ‘di lang nagkaroon ng pandemya. Ikalawa, ayaw niya ng masyadong malaking responsibilidad at mapapabayaan naman niya ang kanyang pamilya.

Marami ang nagtutulak kay Ate Vi, dahil base sa record ng kanyang paglilingkod bayan, kaya niya.

Sa rami ng naniniwala sa kanya, at sa kanyang fans, mananalo siya. pero wala pa ring commitment si Ate Vi.

Golden era ng showbiz industry, hindi makalimutan

Natuwa kami sa recollection ng dati naming editor, si Sir Al Pedroche tungkol sa takbo ng buhay bago mag-1986. Maganda pa nga naman ang buhay noon, at maski na ang show business boom noon.

Napalawak ang Metro Manila Film Festival na ang nangangasiwa ay mga lider ng industriya. Sumigla ang industriya ng musika dahil sa MetroPop, at sa kautusan noon sa mga himpilan ng radio na magpatugtog ng OPM.

Sumigla rin ang paggawa ng international movies sa Pilipinas dahil sa isinagawang Manila International Film Festival.

Napapanood natin ang lahat ng mga magagan­da at klasikong pelikula sa Manila Film Center, at nagsimula ang archives at film recovery ng mga klasikong pelikulang Pilipino.

Sinimulan din noon ang film classification kapalit ng diretsong censorship.

Ang golden era ng industriya ng entertainment sa ating bansa ay bago mag-1986.

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with