^

Pang Movies

May pa-PDA na...Bea at Dominic, inuurirat naman kung kailan nag-umpisa

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
May pa-PDA na...Bea at Dominic, inuurirat naman kung kailan nag-umpisa
Bea at Dominic

Na-realize siguro nina Bea Alonzo at Dominic Roque na mas masaya kung i-o-open nila ang kanilang relasyon, ‘yun bang wala ng splice o putul-putol na photos nila na kanilang pino-post online.

Pagkatapos kasi ng birthday ni Dominic noong July 20, open na sila sa pagpo-post ng photos nila na magkasama at may slight PDA pa.

Sa latest photos na nakita namin kina Bea at Dominic, magka-holding hands sila, hawak ni Dominic ang left hand ni Bea at nakalagay sa lap niya ang magkahawak nilang mga kamay. With matching smile habang nakatingin sa camera.

Ang isa pang larawang nakita namin, magkatabi sina Bea at Dominic at si Bea ang nakaakbay sa balikat ni Dominic. Again, naka-smile ang dalawa habang nakatingin sa camera and in both pictures, may kasama ang dalawa na pawang nakangiti rin na ang dating sa amin, happy sila sa relasyon nila.

Ang gusto naming malaman ngayon at ng fans nina Bea at Dominic ay kung kailan nagsimula ang relasyon ng dalawa? Kailan nga ba sinagot ni Bea si Dominic at saan niya sinagot?

AiAi, pina-NBI ang ‘pumatay’ sa kanya

Lumapit na pala sa NBI si AiAi delas Alas para tulungan siyang i-trace o hana­pin ang mga taong nasa likod ng nagpakalat ng fake news sa YouTube na siya ay pumanaw na.

Sa interview kay AiAi ng 24 Oras, binanggit nito ang ATUBS TV YouTube channel na nasa likod ng balitang pagpanaw niya dahil sa komplikasyon ng sakit na diabetes.

“Lahat yan babalik sa kanila. Pina-NBI ko na rin. Pinapahanap ko na rin ‘yung mga IP address nila. E, ano, e... Kumbaga sa ano, mga fake accounts din,” sabi ni AiAi.

Kaya nagdesisyon si AiAi na lumapit sa NBI dahil grabe ang distress na naranasan niya pati na ng kanyang relatives. At sa mga celebrity na na-fake news na pumanaw na, si AiAi palang ang dumulog sa NBI at sana naman, matakot na ang mga nagpapakalat ng fake news.

Speaking of AiAi, nabanggit nitong malapit na ang Season 4 ng The Clash dahil tapos na yata ang online audition nito. Sina AiAi, Christian Bautista at Lani Misalucha ang judges ng singing competition ng GMA 7.

Jennica, tinanggal na ang apelyido ng mister

Inalis na ni Jennica Garcia sa apelyido niya ang Uytingco, ang apelyido ng ex-husband niyang si Alwyn Uytingco, kaya sa Instagram, “Jennica Garcia” na lang siya. Patunay yata ito na tapos na sa kanila ni Alwyn ang lahat at kanya-kanya na sila, kahit nakikita silang magkasama.

In fact, kinol ang attention ni Jennica ng netizens sa post niyang sa pamamasyal nila sa Tanay, siya lang ang walang ka-partner sa magkakasama. Paano raw niya nasabing wala siyang kapareha, eh magkasama sila ni Alwyn at magkatabi pa sa mesa?

May mahabang paliwanag dito si Jennica na kung iiklian, ang sabi nito, hindi ‘yun ang magiging huli na makikita silang magkasama ng ama ng kanyang mga anak dahil nag-usap na sila at may co-parenting setup. Ginagawa nila ito para sa dalawa nilang anak para naman kahit papaano, sa mga family outing, kumpleto ang parents ng mga bata.

Present din daw si Alwyn sa birthday ng bunso nilang si Mori, hindi lang na-post ang mga litrato nito at ‘yun ang hindi nabanggit ni Jennica kung bakit.

Samantala, mauuna pa yatang mapanood si Jennica sa Tadhana  kesa Afternoon Prime na Las Hermanas  na September pa raw ang ai­ring. Tatapusin muna yata ang Ang Dalawang Ikaw nina Ken Chan at Rita Daniela.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with