^

Pang Movies

Gardo, nilantad ang ­machete uling katawan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Gardo, nilantad ang ­machete uling katawan
Gardo

Nagbalik ang ganda ng katawan ni Gardo Versoza noong panahong aktibo siya sa paggawa ng sexy movies sa ilalim ng Seiko Films. Namangha ang maraming beki sa post ni Gardo na topless sa social media at pinagmalaki nito ang kanyang six-pack abs at matipunong dibdib.

Sa edad na 52, pinatunayan ng aktor na kaya pa niyang ibalik ang dating alindog ng kanyang katawan at hindi makuntento sa tinatawag na “dad bod.”

Nilagyan ni Gardo ng caption na “thank you Lord” ang kanyang pinost na photo. Marami tuloy ang nakaalala ng kanyang pagganap noon sa pelikula bilang si Machete noong 1994 kung saan nakasama siya si Rosanna Roces.

Rabiya, ipapasa na ang korona

Sa bansang Israel gaganapin ang Miss Universe 2021. Kinumpirma ito sa social media accounts ng Miss Universe Organization.

The coronation night will be broadcast live globally in December 2021 from Eilat, a port city in the south tip of Israel.

Kaya naman pala aligaga ang Miss Universe Philippines sa screening ng candidates. Sa September na ang pageant nila at doon ipapasa ni Rabiya Mateo ang korona sa susunod na Miss Universe Philippines.

Alam na ng lahat na kabilang sa candidates ng MUP ay ang aktres na si Kisses Delavin at ang Asia’s Next Model Season 5 winner na si Maureen Wroblewitz.

First time gagawin ang Miss Universe sa bansang Israel. May isang Miss Universe winner na ang Israel at ito ay si Rina Messinger na nanalo noong 1976.

Ang pinakasikat na naging Miss Israel candidate ay si Gal Gadot na isang sikat ng Hollywood actress at nagbida sa pelikulang Wonder Woman. Lumaban siya noon sa Miss Universe 2004.

vuukle comment

GARDO VERSOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with