^

Pang Movies

Kisses, lalaban sa korona ng Miss U-PH

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kisses, lalaban sa korona ng Miss U-PH
Kisses

Muling mapapanood si Kisses Delavin sa ABS-CBN dahil ang Miss Universe Philippines pageant night ay mapapanood sa KTX ng ABS at sa September 25 na ito. Eh, galing sa Pinoy Big Brother si Kisses, at naging talent ng ABS bago lumipat ng management sa Triple A, hindi sa GMA Artist Center gaya ng inaakala.

Puwede na raw mag-book ng Season Passes for P5999 para sa exclusive digital experience. Kasama sa Season Pass ang Interview Preliminaries, Swimsuit and Evening Gown Competitions, and Extended Pageant Finals.

Thirty finalists lang ang magko-compete sa national pageant mula sa 100 contes­tants na “delegates” ang tawag na kinabibilangan nga ni Kisses.

Ang tagal nang hindi nakikita at napapanood sa TV si Kisses, pero may mga nag-iisip pa rin na pabebe siya, walang tsansang manalo lalo’t maliit at sa Q and A lang daw magaling.

Unahan ba si Kisses, mapapahiya tiyak ang ba­shers nito kapag si Kisses ang nanalong Miss Universe–Philippines kasunod ni Rabiya Mateo.

Bianca, napuri 

Supportive boyfriend si Ruru Madrid sa girlfriend niyang si Bianca Umali dahil lagi itong may comment na “So proud of you B” sa mga post ni Bianca sa Legal Wives. May comment na, nila-like pa ni Ruru ang post ni Bianca.

Masaya si Bianca na mapabilang sa cast ng Legal Wives at magandang follow-up daw ito sa Sahaya. Gaya sa ibang cast, very proud si Bianca sa series kung saan, gaganap siya bilang si Farrah Balindong, ang pinakabata at pangatlong asawa ni Ismael Makadatu (Dennis Trillo).

Ipagmamalaki pang lalo ni Ruru si Bianca dahil napabilib sa husay nito si Dennis. “Nagulat ako sa range na kaya niyang ipakita at sa batang edad, hindi ko ine-expect na ganu’n siya kalalim. Ang mga tingin niya, ang husay, Good luck kay Bianca, after this project, magagandang project pa ang magagawa niya,” patungkol ni Dennis sa acting na ipinakita ni Bianca rito.

Na-overwhelm si Bianca sa laki ng project ng teleserye lalo na kung ano ang kanyang role. “Nakaka-pressure na mapabilang sa cast at kabang-kaba ako. But I was excited dahil itong mga project ang gusto kong gawin at nag-enjoy ako,” sabi ni Bianca.

Walang kissing scene o intimate scenes sina Bianca at Dennis kahit mag-asawa ang role nila. Kahit ang rape scene ni Bianca, kinunan ni director Zig Dulay na walang makikitang eksena na hindi magugustuhan ang mga Maranaw.

Kylie, magpaka-lalaki kay Andrea

LGBT-themed pala ang pelikulang ginagawa ni Kylie Padilla titled BetCin under Rein Entertainment. Pangalan yata ng mga karakter na ginagam­panan nina Kylie at Andrea Torres ang title ng movie.

Sa nakita naming photos na pinost ni Kylie, para siya ang mas lalake sa relasyon nila ni Andrea at may eksena pa ngang parang magki-kiss ang dalawa.

Ngayon pa lang, marami na ang nagsasabing panonoorin nila ang BetCin kahit sa streaming.

May mga nag-comment namang kaya raw pala nag-iingay si Kylie dahil may project ito, bagay na kinontra ng ibang netizens. Si Robin Padilla raw ang nagsimulang mag-ingay at binuking na hiwalay na sina Kylie at Aljur Abrenica. Ang ipinaalam lang ni Kylie noong una, may problema sila ni Aljur.

Anyway, umaasa ang fans ni Kylie na bigyan na siya ng project ng GMA 7 dahil puwede na itong magtrabaho.

vuukle comment

KISSES DELAVIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with