^

Pang Movies

Matteo at Sarah humakot ng kilig, napagkamalang nagpabinyag!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Matteo at Sarah humakot ng kilig, napagkamalang nagpabinyag!

Humakot ng kilig sa social media ang photo ng mag-asawang Matteo and Sarah Guidicelli na animo’y nagpabinyag. Pamangkin daw ni Sarah sa kanyang mother side kung saan sila tumayong godparents ng bininyagan.

As if kasi anak nila ‘yung hawak nila, as in bagay na bagay silang mommy at daddy at naka-smile pa ang baby.

Hmm kelan nga kaya sila magkaka-baby?

Wala rin namang update kung nagkaayos na sina Matteo and Sarah and parents ng bagong misis.

KC at Piolo, nag-iwasan sa Amerika

Uy muntik-muntikan na diumanong magkita sa US ang mag-ex na sina Piolo Pascual and KC Concepcion.

Ang ganap ayon sa ka-chika kong source, nangyari ang lahat sa Yamashiro Hollywood na nasa tuktok ng Hollywood na latest hangout diumano ng mga Filipino artist doon.

Bumalik daw si Piolo sa nasabing iconic resto last Friday (US time) eh andun din daw si KC that night at ka-date ang nababalitang karelasyong si Apl.de.Ap. “Si Piolo ay naglagi sa club basement ng Yamashiro samantalang si KC ay nasa itaas ng restaurant.  Malapit lang ang pwesto ni Arnel Pineda kay Piolo kaya may kuha silang dalawa na magkasama with the first Filipina Exec. Chef ng Yamashiro na si Chef Vallerie,” chat pa ng source ko.

Kagabi naman daw ay dumalaw sa nasabing sikat na Japanese resto si Sen. Manny Pacquiao with his wife Jinkee.

Hmm, bongga sana kung nagkita sina Papa P and KC doon with Apl.de.Ap pa.

Walang pino-post si KC tungkol sa visit niya sa nasabing sikat na Japanese resto.

vuukle comment

KC CONCEPCION

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with