^

Pang Movies

Mayor Richard, alagang-alaga ni Cong. Lucy

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mayor Richard, alagang-alaga ni Cong. Lucy
Cong. Lucy

Naku pati pala si Mayor Richard Gomez tinamaan na ng COVID-19.

Kasi nga basta politician ka, every hour may mga kausap ka at kahalubilo na tao. Eh kahit pa nga i-practice mo ang social distan­cing tiyak na may lalapit pa ring tao sa iyo dahil leader ka nga nila, at lahat pupuntahan mo.

Kaya kadalasan ang naririnig mo na tinamaan o kaya nag-positive ay ‘yung mga mayor, congressman at senador. Masyado pa namang hands on si Mayor Richard  sa Ormoc, talagang umaga pa lang libot na nang libot sa buong city kaya hindi kataka-taka na makapasok ang mahaderang COVID-19 sa kanya. Pero dahil bakunado na si Mayor Richard, tiyak na madali siyang gagaling at makakapagtrabaho na naman.

Ang sipag kasi ni Mayor Richard, buti na lang maganda ang nurse niyang si Cong. Lucy Torres, at least alagang-alaga siya. Get well agad, Mayor Richard, bawal magkasakit.

Andrea, hindi nahirapang mag-move on

Nagtataka ang marami kung paano raw nagawa ni Andrea Torres ang maka-move on agad mula sa breakup.

Madali lang siguro basta nandiyan ang suporta ng pamilya mo. Saka ang maganda, walang bitterness sa paghihiwalay nila, kahit pa nga sabihing nakabigla sa marami, siguro between Andrea and the guy, napi-feel na nila ‘yung parang hindi ito magtatagal kaya nakahanda ang kanilang mga loob.

Saka maganda kay Andrea, hindi siya ‘yung whining complaining person na para bang masyadong naapi, kaya hayun, maganda ang resulta ng pag-move on niya. Nakuha niya ang respeto at sympathy for being so quiet and not saying anything bad against the guy.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with