^

Pang Movies

Mayor Goma, ngayon lang nagkasakit

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Mayor Goma, ngayon lang nagkasakit
Mayor Goma

Hindi kami nagulat nang mabalitaan naming tinamaan ng COVID-19 si Mayor Richard Gomez.

Halos lahat ng mayor tinamaan dahil sa kanilang trabaho.

Simula nang magkaroon ng pandemya, ‘yung mga masisipag na mayor, hindi na ninyo makita sa kanilang mga air-conditioned na opisina. Naglilibot na sila sa mga constituent nila. Nagbabantay sila sa ayuda at sa pagbabakuna. Eh gaano karaming tao ang nakakasalamuha nila.

Alam ba nila kung sino sa mga iyon ang carrier na ng COVID?

Si Mayor Goma, physically fit at clean living. At simula nang makilala namin hindi namin nabalitaang nagkasakit siya, pero ngayon kailangang ma-isolate siya dahil nag-positive siya sa COVID test.

Si Congresswoman Lucy Torres Gomez at ang anak nilang si Juliana ay negative sa test kaya sila ay nasa reversed isolation para ihiwalay muna sila at maiwasang mahawahan ni Mayor.

Ok naman si Mayor Goma sa kanyang isolation ayon sa kausap ko. At hindi nga siya nakakalabas pero nagagawa pa rin naman niya ang trabaho niya dahil sa modern technology.

Sinasabi nga niyang slight symptoms lang naman ang nadarama niya, pero ang punto, bakunado siya.

Kung sabagay, sinasabi rin naman nila na kahit bakunado ka, tatablan ka pa rin naman ng COVID, hindi nga lang malala. Eh papaano kung malala ang tumama?

Wala namang mananagot sa iyo dahil bago ka pa sinaksakan ng bakuna, pinapirma ka na ng waiver na walang mananagot sa iyo. Ang epekto nga lang niyang nangyari kay Goma, totoo pala na kahit bakunado ka, hindi mo masasabing immune ka na talaga, kaya ang solusyon pala talaga ay social distancing.

Sunshine, maligaya sa Birthday

Belated happy birthday na lang sa aming kaibigang si Sunshine Cruz. Actually kami ang nakadamang tumanda na kami nang sabihin nila kung ilang taon na si Sunshine.

Nakilala namin si Sunshine nang unang pasok pa lamang niya sa That’s Entertainment. Batang-bata pa siya noon. Ang sinasabi ng lahat ng mga tao noon sa That’s, si Sunshine ay “maganda at mabait.” Later on, may isa pa siyang napatunayan, siya ay naging isang mahusay na aktres.

Marami ring pinagdaanan sa kanyang buhay si Sunshine, at ayaw na naming banggitin pa iyon. Mas maganda na lang na pag-usapan na masaya siya dahil may tatlo siyang magaganda, matatalino at mababait na mga anak. Maganda pa rin naman ang takbo ng kanyang career hanggang sa ngayon. At higit sa lahat, muli ngang tumibok ang kanyang puso at happy naman siya sa kanyang love life.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with