^

Pang Movies

Orig Picasso painting ng movie personality binibili ng $35 million

Gorgy Rula - Pang-masa

MANILA, Philippines — Interesting ang kuwento ng isang movie personality na nagmamay-ari pala ng isang painting ni Pablo Picasso. Ang buong akala ng iba ay hindi totoong Picasso na painting, pero kuwento nitong movie personality, ipina-authenticate raw ito ng isang grupo galing China at meron na nga raw itong authentication na original na painting ni Picasso.

Doon lang namin nalamang mas mahal pala kapag maraming tatak ng auction ang isang original painting lalo na kung kay Picasso ito.

Dating pag-aari raw ng isang Pinay na may asawang Japanese at nasabing painting at mahal daw ang pagkabili nito dahil authentic na Picasso painting.

Nakatira raw sila sa Japan at sa kasamaang palad, ang lugar nila ang isa sa inabot ng malaking tsunami noong taong 2011. At itong Picasso painting daw ang unang isinalba ng Pinay. Hawak-hawak daw niya at itinaas ang nasabing painting para hindi tangayin ng malakas na alon at mabasa man lang. Pero ang dalawang anak niya ay hindi na niya naisalba nang tangayin ng tsunami.

Pati ang Hapon niyang asawa ay namatay din at naiwan na siya kasama itong isinalba niyang Picasso painting. Hirap daw nakapag-move on sa trauma na iyon ang nasabing Pinay, lalo na’t tuwing nakikita niya ang painting na iyon. Kaya sa tulong ng ilang kaibigang Pinoy sa Japan, ibinenta na lang daw nila ang painting at itong kilalang movie personality nga ang nakabili nito.

Ayaw sabihin sa amin kung magkano niya nabili, pero napakamahal daw. Pagkatapos daw itong ma-authenticate, nasa China raw ang authentication nito.

May mga nagparating na raw sa kanya mula sa Amerika na gustong bilhin ang painting na ito. Umabot na raw sa 35M US dollars ang alok sa kanya, kaya pinag-iisipan na raw niyang ibenta ito.

Pero bago raw niya ibenta, gusto muna niyang isapelikula ang kuwento sa likod ng painting na ito.

Interesado na nga raw si Baby Go ng BG Films na isapelikula at may kinakausap na siyang direktor at may naiisip na raw siyang artistang gaganap.

BB, may ibinunyag sa kanyang show

Ongoing pa ang show ni BB Gandang­hari sa Amerika habang nagdi-deadline ako at ilang kaibigang nanonood at nagbibigay ng update sa nagaganap na show.

Sabado ng gabi sa Amerika ang kanyang one-woman show na pinamagatang BB Uncut: Who Killed RP? (The Untold Story of Rustom Padilla). Ginanap ang red carpet event nito sa La Mesa restaurant & bar, Covina, California.

Nandun din ang kaibigang si Jun Lalin para mag-cover, at kuwento sa akin ng isa pang kaibigang si Oliver Carnay, may mga hindi raw nakapasok sa restaurant dahil siyempre kailangan pa ring i-practice ang social distancing.

Pero marami pang gabi ang show niya, kaya puwede pa silang mamili kung sa July 31, August 14, 21 o 28 sila manonood.

Base sa ilang ipinu-post ng isa ring kaibigang si Bardford Adkins sa kanyang Facebook account, pasabog ang opening number nito na kung saan parang memorial procession itong pumasok si BB na naka-black gown with matching gold na malaking korona at bitbit ang isang urn.

Nasa stage ang litrato ni Rustom Padilla na may nakasulat na “In Memoriam 1967-2008.”

Talagang tuluyan nang inilibing sa limot ni BB si Rustom Padilla.

Pero kuwela rin ang virtual duet ni BB kay Rustom na kumakanta ng awi­ting Kahit Isang Saglit, ang isa sa hit movies nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual.

Sa kanyang ‘big reveal’ ay bawal nang magkuha ng video, kaya walang nakapagkuha kung ano ang big reveal na iyon, lalo na’t ang kilalang aktor na nakarelasyon daw ni Rustom Padilla.

Tinapos ni BB ang kanyang show ng awiting My Way.

vuukle comment

BB GANDANG­HARI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with