^

Pang Movies

Mr. M, nagsimula na sa pagsasala

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Mr. M, nagsimula na sa pagsasala

Nagsimula nang magtrabaho si Mr. Johnny Manahan or si Mr. M, as consultant sa GMA Network at sa shows and talents nila. Umupo na siya sa scree­ning panel sa auditions na isinasagawa nila online, na sinimulan ng network nang magkaroon ng pandemic last year, sa pamamagitan ng kanilang official website.

Isa na rito ang final week Online Audition ng The Clash Season 4 na tatagal na lamang hanggang sa July 23. Kaya ang mga gusto pang sumali sa audition, pwede pa kayong mag-submit ng inyong mga entries bago ang deadline.

Sina Christian Bautista, Lani Misalucha at AiAi delas Alas pa rin ang magiging judges ng singing competition.

Alden at Jasmine, nagkakalabuan

Nagtatanong na ang netizens na sumusubaybay sa GMA primetime series na The World Between Us kung ano na ang susunod na mangyayari sa story dahil parang nagkakalabuan na ang relasyon nina Louie (Alden Richards) at Lia (Jasmine Curtis-Smith), at papasok na raw ang character ni Sid Lucero. Ano raw ang character na gagampanan ni Sid?

Aldub, 6 years na

Last July 16 ay 6th anniversary ng phenome­nal loveteam na AlDub at ng AlDub Nation (ADN), nina Alden Richards at Maine Mendoza. Wala mang magarbong celebration ngayon, hindi pa rin nakalimot ang mga true-blooded ADN na nagkaroon sila ng community pantry sa pangalan ng dalawa, supported ng mga ADN’s abroad. Kaya naman ang laki ng tuwa nila nang parehong mag-tweet ng pasasalamat ang dalawa. Si Alden: “Happy Anniversary Aldub Nation! Parang kailan lang ang lahat. Maraming salamat sa inyo. #ALDUatADN6Years 

At si Maine: “Maraming salamat sa mga patuloy na nagmamahal at sumusuporta. #ALDUBatADN6Years.”

Samantala, may revelations naman si Maine sa fourth episode ng Celestified vlog ni Celeste Tuviera. This time, naikuwento naman ni Maine ang samahan nila bilang hosts ng Eat Bulaga nina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at Alden Richards (na bakasyon ngayon dahil sa lock-in taping nito), ngayong pandemic at patuloy silang nagpapasaya sa viewers nila tuwing tanghali. Bunutan pala sila kung sino ang magho-host ng segment nilang Bawal Judgmental. Kailangan daw nilang maghanda sa pagtatanong sa contestants na hindi sila makasasakit ng damdamin nila.

Inamin ni Maine na malaki ang naitulong sa kanya ng JoWaPao sa pagho-host, dahil since pumasok siya sa show six years ago, sila talaga ang mga una niyang nakasama. 

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with