^

Pang Movies

‘May pera sa basura’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi ako maka-get over sa issue ng direk Andoy Ranay. Hindi ko maisip na sa rami ng successful shows, awards na natanggap ng mga show ng GMA 7, ‘basura’ pa rin ang tingin niya sa mga ito. Baka figure of speech, taken out of context ang nangyari. How can you be so fearless na sarahan totally ang pinto at bintana mo sa isang network ngayon kung saan parang may exodus ng mga Kapamilya na lumilipat para maging Kapuso.

Kasi nga, kung totoo na sinabi ito ni direk Andoy Ranay, dapat panindigan niya na forever and ever hindi siya tatanggap ng trabaho sa isang network na sa kanyang palagay ay gumagawa ng basura.

Parang hindi naman ang GMA 7 ang insulted dito kundi ‘yung mga director, writers at artista na gumawa ng show, pati na ang mga nanood at tumangkilik sa mga naturang show.

For the time na mataas ang rating, at ang daming nanonood sa GMA 7, basura pala ang mga ipinalabas na show? Ano ba ang pamantayan para hindi maging basura? Paano ba gagawing maganda para hindi ma-brand na basura? Dapat ba isang direktor na tulad ni Andoy Ranay ang laging kunin? Or dapat laging Ricky Lee ang writer? Dapat mga Kapamilya star ang bida?

Ngayon ba na nasa GMA 7 na si direk Johnny Manahan, Bea Alonzo, John Lloyd Cruz hindi na magiging basura ang shows ng GMA 7? Very vague kasi ang comment ni direk Andoy Ranay, para bang lahat ng ginawa, lahat nang pinanood basura. Kahit ‘yung mga nag-rate at nagustuhan ng viewers, basura. Kahit ‘yung mga nanalo ng awards, basura.

Sana naka-point out iyon lang sa palagay niyang hindi maganda. Basta, kahit ano pa nga ang sabihin, matatag at nakatayo pa rin ang GMA 7, at walang duda, matagal pa ang franchise. At kung papayagang hiramin ang sinasabi na ‘may pera sa basura’ iyon na, wala nang laban, uwian na dahil may nanalo na, direk Andoy.

Parang mas gusto ko na iyon dahil at least marami ang mabibigyan ng trabaho. Saka tingnan mo, naglilipatan na sila, baka dahil mas maganda ‘yung ‘basura,’ palagay mo?

Pangungumusta, mas dapat unahin ang sarili

May isang serye si Jo In-sung kung saan sinabi niya na madalas daw lagi nating sinasabi sa iba na sana ok sila. Madalas ding tanong natin kung ok ba sila. Pero ang hindi natin tinatanong ay ang sarili natin kung ok ba tayo, o kaya wini-wish na sana ok ang kalagayan natin. Ang unahin daw natin itanong lagi, kumusta ba ako? Talaga bang ok ang pakiramdam ko, totoo bang ok ang kalagayan ko?

Dapat daw maging honest tayo sa sarili mismo natin na malaman how we really feel, kung ano ba talaga ang lagay ng mental at emotional stage natin. Dapat daw talaga ‘yung acceptance ng tunay na nararamdaman natin, para magawan agad natin ng solusyon.

Siguro kaya biglang nagiging violent ang reaction kasi nga, unti-unti ang buildup na hindi natin pinapansin. Akala natin, ok lang tayo, iyon pala naiipon ang pain o galit. Kaya tuloy biglaan ‘pag sumabog.

Nakapagtataka na akala natin mga walang problema, tapos balita na lang maghihiwalay. Akala natin lover spat lang, iyon pala malalim na ang problema. Kaya nga minsan, dapat dahan-dahan ang desisyon, baka biglang bugso lang ng galit o baka naman nasa bad mood ka lang at nadamay lang ang issue ngayon sa dati mo nang problema.

Ngayon lalo na dumadagdag pa sa problema ang financial, dahil sa pagbabago ng panahon at medyo mahirap ang trabaho. ‘Yung mga dagdag na problema ng pandemic, dagdag stress at pressure, kaya dapat mas maingat talaga sa desisyon. Huwag bigla-bigla, isiping mabuti, bigyan ng sapat na oras tutal madalas na wala namang ganap o schedule.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with