^

Pang Movies

Gerald at Julia, Todo na ang lambingan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Gerald at Julia, Todo na ang lambingan
Gerald at Julia

Ang comment ni Gerald Anderson na “Yung mga Kapamilya nating hindi tayo iniwan dito sa pinadaanan nating lahat, nanatili silang Kapamilya. ‘Yun po ang dahilan kung bakit ako Kapamilya pa rin.”

May mga nag-react dito dahil parang may gusto raw tukuyin si Gerald, ‘yung Kapamilya talents na nasa GMA Network na ngayon. Dahil wala namang binanggit na pangalan ang aktor , ‘wag na rin tayong magbanggit ng pangalan.

And speaking of Gerald, ang daming kinilig sa photos nila ni Julia Barretto sa bakasyon nila sa Baguio na pinost ni Julia sa kanyang Instagram account. Hindi raw takot ipakita ng dalawa ang mga litrato nilang dalawa na sweet para i-share sa kanilang fans. Hindi raw takot ma-bash ang dalawa.

Andrea, mabilis naKa-move on

Firm believer si Andrea Torres sa ‘Law of Attraction’ na nagsasabing “positive thoughts bring positive results into a person’s life while negative thoughts bring negative outcomes.”

Ilang beses binanggit ni Andrea sa mediacon after she renewed her contract with GMA Artist Center na kaya positive ang aura niya dahil puro positive lang ang iniisip niya. Kaya madali rin siyang nakapag-move on sa nangyari sa kanyang love life dahil dito and it paid off. Magaan ang aura ng Kapuso actress at lalo siyang gumanda.

Sa mediacon, nabanggit ni Andrea na open na siyang makipag-date uli. “May idea na ako ng perfect partner na pang hambangbuhay,” sabi nito. Pero, priority pa rin ni Andrea ang kanyang career.

Lalo na at nalamang kahit sa July 26 pa lang ang world premiere ng Legal Wives, may next project na siya sa GMA 7 at excited na siya sa gagampanang role. Hindi ito ang sitcom nila ni John Lloyd Cruz dahil wala pa raw sinasabing ganu’ng project ang GMA sa kanya.

Hindi kaya napalitan siyang leading lady? Parang may nabasa kaming hindi na siya ang makakapareha ni JLC.

Anyway, excited na si Andrea sa magiging reaction at feedback ng viewers sa Legal Wives na tungkol sa buhay ng Maranao Muslims. Ang dami raw matututunan ng non-Muslim sa family drama na ito sa direction ni Zig Dulay.

Tapos na ang kanilang lock-in taping at nalungkot daw sila dahil after ng pack-up, uwian na lang. Kung wala raw pandemic, tiyak na may cast party sila, kaya nag-usap-usap na lang ang cast na magkita sa araw na pare-pareho silang libre.

Mag-amang Boyet at Ian,ngayon lang magkakatrabaho

Ang Lolong pala ang binanggit ni Christopher de Leon na gagawin niyang teleserye sa GMA 7. Nabanggit ito ng aktor sa isa niyang guesting sa isa sa mga show ng network without giving details, nalaman na lang nang ilabas ng GMA Public Affairs ang mga kasama sa cast at isa nga roon si Boyet.

Kasama rin si Bembol Roco na ka-contemporary ni Boyet, kaya ang gandang abangan ang kanilang magiging role, magkalaban ba sila? Magkakampi? Nasa cast din si Jean Garcia na isa ring magaling na aktres at kasama rin sa cast si Ian de Leon na anak ni Boyet.

Tama ba kaming first time magkakasama sa TV series ang mag-ama?

Heto pa ang nakagugulat, kasama rin sa cast si Abby Viduya na nagbabalik-showbiz sa Lolong. Sana, isinama na rin si Jomari Yllana para mas masaya.Ganundin si Maui Taylor na magbabalik-GMA rin sa project na ito.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with