^

Pang Movies

Ruru, nagsalita tungkol sa totoong buwaya

Pang-masa

MANILA, Philippines — Binigyang-linaw ni Ruru Madrid na hindi iikot ang kuwento ng Lolong sa buhay ng tinaguriang world’s largest crocodile na may parehong  pangalan sa title ng pagbibidahan niyang GMA Telebabad series.

Sa isang panayam, sinabi ng Kapuso actor na may mas malalim pang tatalakayin ang sinasabing biggest adventure series ng taon.

Pangalan ng karakter ni Ruru sa serye ang Lolong na isang tao habang  Dakila naman ang pangalan ng 22-feet na animatronics na buwayang magiging kaibigan niya.

Mas tututukan daw ng Lolong ang mga nangyayari sa ating kapaligiran tulad ng climate change, global warming, at ang pagkaubos ng mga hayop lalo na sa Pilipinas.

In a way nga raw, sa paggamit ng Lolong bilang title ng series, ay nagsisilbi itong pagkilala sa pinakamalaking buwa­yang natagpuang buhay at sa Pilipinas pa nga ito nadiskubre.

Marami tuloy ang nagsasabing malamang na isa na namang socially-relevant series ang proyektong ito na produced ng GMA Public Affairs. Tatak na raw kasi ito ng nasabing team na siya ring nasa likod ng Naku, Boss Ko! at TODA One I Love na parehong pinagbidahan din ni Ruru noon.

Ang last na seryeng produced ng GMA Public Affairs na Owe My Love umikot din sa financial literacy. Pasok din sa serye tulad nina Shaira Diaz at Arra San Agustin.

Samantala, gustong malaman ng ibang netizens kung anong rason ni Ruru sa pagbubura niya ng mga post niya sa kanyang Instagram account na may almost one million followers.

vuukle comment

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with