^

Pang Movies

Ibang branches ng negosyo nila Toni, nagsara na!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Philstar.com
Ibang branches ng negosyo nila Toni, nagsara na!
Toni

Matteo, nagpaalaga kay Sarah nang magkaroon ng epekto ang bakuna

Aminado si Toni Gonzaga na naapektuhan din ang Happy Cup business nila ng pandemic. Nagsara na raw ang iba nilang branches although marami pa rin namang natira.

“We had 94 branches before the pandemic, now we have 78. Nag-close ‘yung ibang branch,” saad ni Toni sa interbyu sa kanya ni Matteo Guidicelli sa podcast nito.

Of course, nangangarap sila pareho ni Matteo na bumalik na sa normal ang buong mundo at makamit na ang herd immunity. Bukod dito, wish din nila siyempre ang pagbabalik sa ere ng ABS-CBN. “I feel it in my heart that it (ABS-CBN) will come back and it will come back stronger,” ani Toni.

Napag-usapan nga rin nila ang tungkol sa vaccination. At kuwento ni Matteo, nagkaroon daw ng side effects sa kanya ang AztraZeneca na vaccine nila ng misis na si Sarah Geronimo

“I got so sick. Everybody has their own timpla. Me, I got the fever, headache,” tsika ni Matteo.

Naglambing pa raw siya kay Sarah na “love, hug me na, I need you here.”

Si Sarah naman daw ay parang jetlag lang ang effect sa kanya.

Pati pulitika ay napag-usapan nila at natanong ni Matteo kung may balak pa itong tumakbo since dati ay naging Kagawad ito. “Sa thread mill lang ako tatakbo,” natatawang sabi ni Toni.

Wala pa raw siya sa showbiz nu’ng time na pumasok siya sa pulitika.

“Dati kagawad ako nu’n, 17 years old ako nu’n. Tapos nu’ng nag-showbiz na ‘ko, stop na. Kasi nu’ng bata ako, akala ko ‘yun ‘yung calling ko, public service. I can serve naman pala through my industry,” she said.

Bianca, palaban

Kakaiba at mas palaban na Bianca Umali raw ang mapapanood sa much-awaited family drama series ng GMA Network na Legal Wives.

Bibigyang-buhay ni Bianca sa serye ang karakter ni Farrah, ang pangatlo at pinakabatang asawa ni Ismael – ang role ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Pagkukuwento ni Bianca, nakaka-relate raw siya sa ipinakitang katatagan ng kanyang karakter sa kabila ng karahasan na pinagdaanan nito. “Nakaka-relate ako sa strength niya – sa strength niya to face the challenges na ibinigay sa kanya. Kasi kahit na wala siyang alam, kahit na hindi niya ine-expect ‘yung mga mangyayari sa kanya, hinarap niya pa rin ‘yun nang buong puso at hindi siya nawala sa sarili niya.”

Bukod kay Bianca, gaganap din na mga asawa ni Dennis sa serye sina Alice Dixson at Andrea Torres. Mapapanood na ang  world premiere nito ngayong July 26 sa GMA Telebabad.

vuukle comment

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with