^

Pang Movies

Ruru, binura lahat ng mga post!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Philstar.com
Ruru, binura lahat ng mga post!
Ruru

Nagulat ang followers ni Ruru Madrid sa kanyang Instagram account dahil nang bisitahin nila ang IG ng aktor, deactivated na ang account nito. Burado ang lahat ng posts, kulay white ang screen at nakasulat na “No posts Yet.” Nakalagay din sa taas na zero ang posts niya, pero hindi nabura ang numbers ng kanyang followers at following.

Pati photos nila ni Bianca Umali, photos with his family and friends, burado na lahat. Tanong tuloy ng fans kung may pinagdaraanan si Ruru? O baka naman, i-a-activate rin ni Ruru ang kanyang IG with his new look para sa Lolong.

Mikee, 4X nag-audition sa unang kuwento...

Isa sa masayang mediacon ang mediacon ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento kahit sa Zoom lang nakipagkuwentuhan ang cast. Dahil siguro sa presence nina Michael V. o Bitoy at Manilyn Reynes na parehong mahusay sa comedy. Idagdag pa si Gladys Reyes, Archie Alemania at Sef Cadayona sa kanilang mga hirit. Kaya kahit ang hindi komedyante na sina Mikee Quintos, Kokoy de Santos, at EA Guzman, napapa-punchline na rin and in fairness, pasado sa press ang punchline.

First comedy ito ni Mikee at siya ang nangangapa sa cast, problema niya ang timing noong una at ang mababa niyang boses na tinawag niyang “bargas” na hanggang matapos ang mediacon, hindi namin alam ang ibig sabihin.

Kinailangan ding pantayan ni Mikee ang pagiging high energy ni Manilyn at pasalamat ito na nakasama niya ang aktres sa The Lost Recipe. Napag-aralan niya ang nuances nito na ginamit niya to portray young Elsa.

Four auditions ang dinaanan ni Mikee bago siya ang mapili sa karakter ng young Elsa. Hindi na niya expected na mapipili dahil marami siyang nakasabay na magaga­ling na Kapuso artists. Kaya, natuwa nang malamang she bagged the role.

Kaya, simula this Saturday, 6:15 p.m., sa pilot ng Unang Kuwento, siya muna si young Elsa, ang kapareha ni Sef bilang young Pepito.

Sen. Kiko, idinemanda ang vloggers

Sabi ni Sen. Kiko Pangilinan, kaya niya isinama sa reklamo niyang cyber libel sa Department of Justice ang country manager ng Google PH dahil ayon sa senador, duty ng country manager ang “to ensure that the employees exercise the necessary diligence in ascertaining the existence of defamatory videos and the removal of such in order to maintain the Community Guidelines and its Policy, Safety, and Copyright Policies.”

Inireklamo ng senador ang vloggers na sina Starlet at Latest Chika dahil sa video post una ni Starlet na nakiusap daw si Sen. Kiko kay Sharon Cuneta na ‘wag magdemanda dahil daw sinasaktan niya si Sharon.

Sinundan ito ng video ni Latest Chika na nag-file na ng kaso si Sharon laban kay Sen. Kiko at kahit itinanggi ito ni Sharon by going live sa Instagram, hindi pa rin inalis ang videos.

vuukle comment

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with