^

Pang Movies

Coco at Julia hindi nanagtatago!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Coco at Julia hindi nanagtatago!
Coco at Julia

Aww, all over social media na magkasama sina Coco Martin and Julia Montes para umano sa kanilang ginagawang pelikula.

Isa nga sa mga nag-share ng kanilang sinu-shooting na pelikula ay si Pola Mayor Jennifer Mindanao Cruz (former Ina Alegre) ng photos with them.

Aniya sa kanyang Facebook post : “With Coco Martin and Julia Montes location familiarization. thanks Direk Brillante Mendoza and Direk Bing... shooting sa Pola. I love Pola....”
Ang Pola ay isang bayan sa Oriental Mindoro na birthplace rin Kabayang Noli de Castro kung saan mayor ngayon ang former sexy star.

Bukod dito, meron pa silang photo na may caption na ‘Shooting’ na shared ng kanilang fans club.

Lately ay sunud-sunod ang sighting kina Coco at Julia.

So aamin na kaya sila finally?

Matagal nang walang ganap sa career ni Julia, mapa-teleserye at pelikula.

Ang last teleserye ni Julia ay ang 24/7 February of 2020. 

Si Coco naman ay sa digital platform na lang napanood ang Love or Money with Angelica Panganiban dahil inabot na ito ng pandemic at hindi pagkaka-renew ng franchise ng ABS-CBN.

Hindi na rin pinag-uusapan lately ang sinasabing pagkandidato ni Coco.

Ang tagal nang kinukulit na umamin ang dalawa lalo na nga at sinasabing may anak na diumano sila na kasama nila sa bahay ng actor.

Lolong, may ipakikilala pa!

Ngayong Biyernes (July 16) na ipapakilala ang buong cast ng sinasabing biggest action-adventure series ng GMA Network na Lolong!

Nauna nang ini-reveal ang tatlo sa mga bibida sa nasabing serye na pinangungunahan ni Ruru Madrid. Makakasama niya rito sina Shaira Diaz at Arra Agustin.

Isa na nga ang Lolong sa maituturing na biggest break ni Ruru dahil titular role ang gagampanan niya rito. Trailer pa lang nito ay talagang pinag-usapan na agad. Marami ang bumilib sa paggamit ng animatronics ng production team para sa karakter na si Dakila– ang dambuhalang buwaya na magiging kaibigan ni Lolong (Ruru) sa serye. Sa laki nito, kailangan daw ng 14 tao upang mapagalaw ito.

Bukod kay Dakila, sinu-sino pa kaya ang kasama sa dambuhalang seryeng ito na produced ng GMA Public Affairs?  May galing kaya sa ABS-CBN?

vuukle comment

COCO MARTIN

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with