^

Pang Movies

Highest paid K-stars, nakuha lahat ng Bench

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Highest paid K-stars, nakuha lahat ng Bench
Kim Soo-hyun

Mukhang ang lakas ng marketing strategy ni Ben Chan ng Bench ha. Hindi siya nakuntento kay Ji Chang-wook at Hyun Bin, ngayon si Kim Soo-hyun naman ang kinuha nilang endorser.

Kaloka, Salve, na kasama pa natin sina Ricky Lo, Isah Red at ang pamangkin ni Ricky na si Kimberly nang una nating makita si Kim Soo-hyun na sumikat sa K-drama na Love From The Stars.

Si Kim Soo-hyun ang isa sa highest paid stars ng Korea, tapos na-get ng Bench.

Mukhang ang dami nilang datung at talagang top of the line pagdating sa pagkuha ng foreign endorsers. At hindi lang basta-bastang stars, iyon talagang magugulat ka.

Kinuha ng Bench si Hyun Bin habang nababaliw ang lahat sa Crash Landing On You. Nasa mataas na puwesto si Ji Chang-wook nang kunin nila. Now si, Kim Soo-hyun, wow, bongga si Ben Chan.

Talagang hindi maabot. Buti na lang graduate na ako kay Kim Soo-hyun, na pinaka-first love ko na oppa, then Jo In-sung, Nam Joo-hyuk, Kim Woo-bin at now na kay Lee Joon-gi na ako, kundi araw-arawin ko text, call kay Ben Chan at Miguel Pastor, at kahit ayaw nila, magbabantay ako sa office ng Bench sa BGC para maawa sila at pumayag na makita ko si Kim Soo-hyun nang up close and personal.

Now, dahil medyo wear off na ang love ko kay Soo-hyun, puwedeng pass na, kahit hindi ako invite, hah hah.

PR manager, pagtulong ang nasa feng shui

Magiging BFF ko na ang PR na si Joyce Ramirez, hah hah. Kasi nga meron siyang balak na tulungan ang senior writers na medyo nahihirapan ngayon. Iyon daw part ng kinikita niya sa PR management, may balak siyang i-share sa seniors, dahil nga iyon daw ang feng shui sa kanya, to pay forward.

Bongga ha, at least meron siyang compassion sa seniors at talagang balak niyang tulungan. Type ko iyan, marunong siyang mag-share.

vuukle comment

BEN CHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with