^

Pang Movies

Vice, umaming sumasaya na uli!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Vice, umaming sumasaya na uli!
Vice

Nilinaw uli ni Vice Ganda na wala siyang galit sa mga artistang lumilipat ng ibang network tulad nga ng naging issue sa kanya recently kung saan ay naging kontrobersyal ang sinasabing tweet niya na pinabulaanan naman niya agad.

“Hindi kami galit sa mga lumilipat katulad ng pinapalabas n’yong tsimis sa social media. Hoy 2021 na, ang cheap-cheap ng trabaho n’yo. Cheap n’yo,” paglilinaw ni Vice Ganda last Saturday sa episode ng It’s Showtime.

Matatandaang naintriga si Vice recently nang maakusahang nagparinig siya kay Bea Alonzo dahil sa kanyang tweet. Nakunan ng screenshot ang nasabing tweet na diumano’y binura na ng TV host/comedian. Mabilis niyang pinabulaanan ang nasabing post at kinondena ang mga taong nagpakalat ng fake news.

Samantala, sinabi rin ni Vice na unti-unti na siyang sumasaya ngayon matapos ang pagsasara ng ABS-CBN last year. “Dati sobra akong nalulungkot, talagang nadudurog puso ko. Pero ngayon, sumasaya na ko. Parang, the pain that I felt before is giving me strength right now. My God, isang taon na po ang nakakalipas pero nakatindig pa rin tayo ha,” ani Vice.

Sabi pa ni Vice, maraming nag-akala na tutumba na ang network pero heto nga’t dahan-dahan itong bumangon kahit sa maliliit na paraan lamang.

Lovi, na-stress habang pinapanood ang sarili

Maituturing na isa nga sa busiest stars ngayong pandemic si Lovi Poe dahil tuluy-tuloy pa rin ang trabaho and in fact, sunud-sunod ang paggawa niya ng proyekto.

Ngayon nga ay katatapos lang niya ng digital film na The Other Wife with Joem Bascon and Rhen Escaño. The movie will be available for streaming on July 16 on ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV and Vivamax.

Intriguing ang The Other Wife dahil kakaibang pelikula ito at hindi pala tulad ng akala ng marami na infidelity or affair movie na maraming beses na ring nagawa ni Lovi.

Pero isa palang psychological thriller ang pelikula at isa ito sa dahilan kung bakit ito tinanggap ni Lovi.

“Honestly, when I first got the script and I saw the title na The Other Wife, I was already (hesitant). If it’s another affair movie, parang sabi ko, I think I need to step away from that because I’ve done a lot of affair movies,” kwento ni Lovi kahapon sa kanyang virtual solo presscon.

“So, sabi ko, parang medyo that’s gonna be a problem kasi I keep doing the same thing over and over again, plus The Annulment then with Joem pa na kasama ko rin dito sa The Other Wife. So, I was really hesitant.

“But the thing is, I read the script and after reading the script, lahat po ng prinedict ko sa movie, sa script, hindi nangyari. And that made me want to do it.

“And the fact that it’s an acting piece, ‘yun ‘yung biggest reason kung bakit ko siya tinanggap. And it’s not an affair movie. It’s not what you think,” paliwanag ni Lovi.

Excited na nga raw siyang mapanood ng mga tao ang pelikula dahil ibinigay daw niya ang lahat dito.

“I practically gave my all here. I didn’t hold back. Medyo na-stress nga ako while watching myself. So, I’m kind of excited for people to watch it,”sey ni Lovi.

Bukod sa pelikula, Lovi is also doing a new album at nakakatapos na nga siya ng tatlong kanta. Ang latest single na Lost ay released na ang official music video sa YouTube. She’s also starting another film, this time with Carlo Aquino naman.

Sa lahat ng blessings ay very thankful naman si Lovi pero marami pa raw siya talagang gustong gawin at nagpapasalamat din siya sa kanyang boyfriend na si Monty Blencowe for being so understanding at pinapayagan siyang gawin ang mga bagay na gusto niyang gawin.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with