^

Pang Movies

Cindy, ayaw palakihin ang third party

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Cindy, ayaw palakihin ang third party
Cindy

Kawawa naman ang dating beauty queen-turned sexy actress at bida sa pelikulang Nerisa na si Cindy Miranda dahil siya ang itinuturong ‘third party’ sa hiwalayan ng mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla just because may movie sila ni Aljur na pinagsamahan na malapit nang matunghayan sa Vivamax ngayong July 30.

In fairness kay Cindy, first time lamang silang nagkatrabaho ni Aljur na kamakailan lamang nila ginawa.

Nagulat na lamang ang dating beauty queen na nadadawit ang kanyang pangalan sa hiwalayan ng dating mag-asawa.

Sa halip na magpaapekto sa mga maling akusasyon sa kanya, gusto na lamang mag-focus ni Cindy sa kanyang bagong movie, mula sa panulat ng premyadong writer na si Ricky Lee at direksyon ni Lawerence Fajardo.

Si Cindy along with Rhen Escaño was launched sa pelikulang Adan in 2019 na dinirek ni Roman Perez under Viva Films. Pagkatapos ng Adan ay naging sunud-sunod na ang magkahiwalay na proyekto nina Cindy at Rhen sa kanilang home studio.

Samantala, kahit nagpapaseksi si Cindy sa kanyang mga pelikula, mas gusto pa rin niyang makilala bilang isang seryosong actress.

Bukod sa Vivamax, ang Nerisa ay mapapanood din sa ktx.ph, IWantTFC at TFC IPTV.

Maaaring mag-stream ng Vivamax sa web.vivamax.net. Mag-download na rin ng app at mag-subscribe via Google Play Store at App Store. Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit. Meron pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax.

vuukle comment

CINDY MIRANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with