^

Pang Movies

Panget ang kapalaran sa mall...

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Panget ang kapalaran sa mall...
Alice

Hindi kami nagulat sa kuwentong nadukutan si Alice Dixson sa isang mall sa Makati.

Natatandaan naming nagkaroon kami nang karanasan nang biglang isara rin ang lahat ng entrance at exit ng isang mall, nakulong kaming lahat sa loob dahil iyon pala may dinale ang tinatawag nilang “martilyo gang” at ang nakakatawa matapos ang isang oras ng pakiusap ng security na huwag munang lumabas, napilitan din silang buksan ang mga pinto at wala ring nahuli isa man sa sinasabi nilang martilyo gang.

Minsan naman, ang nabalitaan namin, iyon mismong misis si Yorme, nadukutan din sa Divisoria. Pero Divisoria naman iyon at kahit na noong araw talamak ang mga mandurukot diyan.

Pero hindi mo masasabi, noong araw madalas din sa Divisoria si Kuya Germs dahil siya ang namimili ng lahat ng ginagamit sa kanyang mga show pero ang sinasabi nga ng mga tao doon, “hindi madudukutan dito si Kuya Germs. Nirerespeto iyan dito at mahihiya maski na ang mga loko na gawan siya nang masama”.

Nagsa-shopping lang daw si Alice nang gitgitin siya ng ilang babae, at hindi niya namalayan na nakuha na pala sa kanyang bag ang kanyang wallet at cellphone. Dahil nakita daw naman sa CCTV ang nangyari, nahuli rin ang tatlong babae at dalawang lalaking nakadamit babae na siyang nandukot sa kanya.

Hindi mo talaga masasabi kung kahit na sa isang kinikilalang disenteng mall ay makapasok ang mga mandurukot.

Sa hirap ng buhay ngayon, maraming walang trabaho, maraming gutom at wala namang natatanggap na ayuda kahit na isa o dalawang lata lang ng mumurahing sardinas, aba eh darami nga ang magnanakaw at mandurukot.

Ang mga ganyang krimen ay may kinalaman sa kahirapan.

Pero mukha ngang masyado nang maraming kuwento sa malls na ini-uugnay kay Alice. History na, pero mainit ang usapan noon na si Alice ay nagustuhan daw ng isang malaking ahas at pinasok siya sa fitting room ng isang mall, malapit sa Pasig river. Pero iyang ahas na iyan ay matagal nang urban legend na hindi naman totoo. Pero mukhang sa takbo ng mga kuwento, wala si Alice suwerte sa mga ganung lugar.

Trolls, sinisisi si Aljur

Bagama’t sinasabi ni Kylie Padilla na sana ay bigyan naman sila nang kahit na kaunting respeto, at huwag na muna silang pakialaman dahil inaayos nila ng kanyang asawang si Aljur Abrenica kung papaano nilang palalakihin ang dalawa nilang anak na magkatuwang pa rin sa kabila ng paghihiwalay, aba ay ayaw pa ring tumigil ng trolls.

Naglabasan sila para sisihin si Aljur sa pagkasira daw ng career ni Kylie noon dahil binuntis niya iyon, at sinisisi rin siya dahil nasira raw ang seryeng Encantadia, dahil ang dapat nga sanang main lead na si Kylie, pinatay nila sa kuwento dahil nabuntis nga.

Pero mabubuntis ba naman si Kylie kung si Aljur lang ang may gusto?

Male personality, nagpapasilip ng ari sa CR kapalit ng datung

Ibang klase rin ang raket ng isang newcomer na nagpipilit pumasok sa showbiz.

Panay ang post niya ng nakakatuksong pictures sa social media, at dahil pogi naman talaga, marami ang natutukso. Iisa naman ang kanyang modus operandi, susubukan niyang utangan ang ka-chat kahit na hindi kakilala nang personal at sasabihing nagipit lang siya.

Kung gusto naman niyang mas malaki ang makuha, payag siyang makipag-meet sa mall. Hihingan niya ng pera ang biktima, at bilang konswelo, yayayain niya sa CR ng mall para masilipan siya. Hanggang doon lang, dahil siyempre marami ring mga tao sa CR sa mall. Basta nakuha na niya ang pera, goodbye na sa kanyang biktima. Wala tayong pakialam sa raket niya, kaya lang kung makakapasok nga ang ganyang tao sa shownbusiness, makakasira siyang lalo sa image ng mga artista.

vuukle comment

ALICE DIXSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with