^

Pang Movies

Max, nagpaliwanag sa dalawang B-day party ng anak nila ni Pancho

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Max, nagpaliwanag sa dalawang B-day party ng anak nila ni Pancho

Ayun, nagsalita na si Max Collins sa magkahiwalay na birthday party nila ni Pancho Magno sa anak nilang si Skye. Noong una, siya ang nag-open ng isyu, walang nagtanong na press na present sa mediacon nang mag-renew siya ng kontrata sa GMA Network at GMA Artist Center.

Sa pangalawa, tinanong na siya ng kasamahan sa panulat na si Rose Garcia at hindi nagbago ang kanyang sagot. “The story behind the two birthday parties for Skye. Sa birthday party niya with me, my friends, have a surprise party for him at nagkataong may taping si Pancho, kaya wala siya sa party. The day naman na birthday niya, July 6 at may birthday party sa kanya si Pancho, may endorsement shoot ako, kaya ako naman ang wala and that’s why we have two different birthday parties, ‘yun lang talaga ‘yun,” paliwanag ni Max.

Walang nagtanong tungkol sa isyung hiwalay na sila ni Pancho, kaya walang nabanggit si Max. Napansin namin na nababanggit niya ang pangalan ni Pancho na hindi siya nabubulol.

Anyway, kasama sa magagandang projects na sinabi ni Max na patuloy na ibinibigay ng GMA 7 sa kanya ay ang upcoming series nila nina Rocco Nacino at Carla Abellana na To Have and To Hold. Sobrang challenging daw ang karakter niyang si Dominique at kinailangan niyang mag-acting workshop.

Sa tanong kung gaano ka-daring at sexy ang role niya, “medyo sexy ang series at kailangan ang sexy scenes, pero mas daring si Rocco. Maganda ang script, walang kontrabida at iba sa mga karakter na nagawa na niya.”

Sa tanong kung gagawin pa rin niya ang sexy scenes kung si Derek Ramsay pa rin ang kasama niya? Ang sagot ni Max, hindi siya mapili sa mga nakakatrabaho at nakakatambal na aktor. “I’ll be comfortable regardless,” sagot ni Max.

Ten years nang Kapuso si Max at dahil masaya siya sa network, mukhang walang lipatang mangyayari.

In fact, dream niyang makatrabaho ang mga aktor na hindi pa niya nakakatrabaho pati na ang dating Kapamilya stars na Kapuso na ngayon.

Cindy sinagot ang third party

Ang sabi, aktres na may anak (single mom) na nakasama ni Aljur Abrenica sa isang teleserye sa ABS-CBN ang pinaghihinalaang third party sa paghihiwalay nina Aljur at Kylie Padilla. Eh, wala namang anak si Cindy Miranda, ang kapareha ni Aljur sa pelikulang Nerisa, kaya hindi siya ang third party.

Sinagot nga ni Cindy ang comment ng isang netizen na “Sana pure work lang kayo. ‘Wag ka sana manira ng pamilya.”

Sagot ni Cindy, “Yes. Very professional. I’m not the third party, thanks.”

Pero, ‘yung ibang netizens, ayaw paawat ng paninisi kay Cindy. Tinawag ng kung anu-ano si Cindy at homewrecker daw.

Anyway, si Aljur ang sinisisi ng fans ni Kylie kung bakit nawala ang karakter ni Kylie na si Amihan sa Encantadia. Nagbuntis yata si Kylie habang umeere pa ang Encantadia  kaya nawala rin si Amihan at natigil ang tambalan nila ni Ruru Madrid.

Yassi, iniisyuhan kay Manny

Nakakatuwa ang ilang netizens, nagpakuha lang ng litrato si Yassi Pressman kasama si Sen. Manny Pacquiao na nasa Amerika na ngayon at nagisimulang mag-trai­ning, ginawan na ng isyu.

Sigurado raw na ili-link ang dalawa at may nagbiro pa na “Jinkee  left the earth” na ang ibig tukuyin, nagselos si Jinkee. May nag-comment din na gagawan ng isyu ng mga DDS ang dalawa.

Eh, si Yassi naman, bukod sa litratong magkasama sila, nagpasalamat din kay Manny sa rice, tilapia at adobo na nami-miss na raw niyang kainin. Nasa Amerika rin kasi si Yassi at nagbabakasyon.

vuukle comment

MAX COLLINS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with