^

Pang Movies

Sarah, nag-leave na sa ASAP!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Sarah, nag-leave na sa ASAP!
Sarah

May mga balita pa rin ng mga pangalan ng isang artist na lilipat sa GMA Network. Totoo kayang lilipat din sina Jericho Rosales, na nag-guest na sa GMA’s morning show na Mars, Maja Salvador, at hinihintay na rin kung totoong lilipat rin sina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual.

Sa balitang nag-leave na si Popstar Royalty Sarah Geronimo sa ASAP Natin ‘To, lilipat na rin ba siya sa GMA? 

Nauna rito ay lumabas ang publicity na “Kapuso abroad, a star will land this July on GMA Pinoy TV.” Mapapanood nga raw doon ang Tala: The Film Concert, ang first-ever digital concert ni Sarah na ipalalabas sa July 18, sa GMA’s flagship international channel.

May mga natuwang fans ni Sarah na sa wakas daw ay mapapanood na nilang muling mag-duet ang kanilang idolo at si Julie Anne San Jose at kung sakaling lilipat si Sarah, hindi na bago iyon dahil isa siyang Kapuso matapos niyang manalo sa singing contest na Star For A Night in 2002 ng Viva, inilipat lang siya sa ABS-CBN.

Pero wala pang naririnig mula sa kampo ni Sarah, kung totoo ang balita.

Sanya, solo na ni Bong

Bukod sa ten million followers sa kanyang TikTok account ni Kapuso actress Sanya Lopez, tinanggap ni First Yaya lead star ang pinakabago niyang achievement sa kauna-unahang TikTok PH Awards last July 5 at iniuwi niya ang Top Celebrity Award. 

Tuwang-tuwa si Sanya at nagpasalamat sa kanyang fans. Hindi raw niya in-expect ang award dahil nag-umpisa lamang siyang mag-TikTok for fun and entertainment para sa kanyang fans.

Ipinagpasalamat din ni Sanya ang successful finale ng pinagbidahan niyang primetime series na First Yaya.

Sa ngayon ay abala naman siya sa role niya bilang si Maya sa Agimat ng Agila ni Bong Revilla. Exciting na ang mga eksena ngayon, dahil kung si Gabriel (Bong) ay tagapag-ingat ng Agimat ng Agila, magkalaban ba sila ni Maya na siya namang binigyan ng agimat ng Bakunawa? 

Sa direksyon ni Rico Gutierrez, napapanood ang action-fantasy series every Saturday, 7:15 p.m., sa GMA 7.

Pokwang, ­mai-in love sa dating estudyante

Thankful si bagong Kapuso comedian-actress na si Pokwang na sunud-sunod ang projects niya sa GMA Network. 

Hindi pa siya pumipirma ng contract sa network, nag-guest na siya sa The Boobay And Tekla Show at sinundan agad ito ng isang drama episode ng  Wish Ko Lang titled Ang Forever ni Miss Virgie, na isa siyang principal pero na-in love sa kanya ang dati niyang student, played by Jeric Gonzales.

This Saturday, July 10, sa kauna-unahang pagkakataon ay gaganap si Pokwang sa isang real-life drama anthology, sa Magpakailanman, titled Nanay Kontesera.

Lahat ng klase ng trabaho ay papasukin ni Helen (Pokwang) to support her three children na ang isa ay may kapansanan pa.

Nagsimula na ring mag-taping si Pokwang ng bagong episode ng Pepito Manaloto sa bagong cast, with Michael V. at Manilyn Reynes, na mapapanood na simula sa July 17, 6:00 p.m. Kahapon ay nag-guest din si Pokwang sa isang segment ng Eat Bulaga.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with