^

Pang Movies

Rabiya,balik-bayan na!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nakabalik na sa Pilipinas si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo pagkatapos ng dalawang buwang bakasyon sa USA.

Kasalukuyang naka-quarantine for 10 days si Rabiya na required sa travellers na galing sa Amerika.

“Hey, guys! After a 14-hour flight, I safely arrived here in my hotel where I will be in quarantine for 10 days,” post niya sa Instagram Stories.

Sinalubong sa airport si Rabiya ng Miss Universe Philippines organization at binigyan pa siya ng bouquet of flowers.

Excited na raw umuwi si Rabiya dahil sunud-sunod din ang magiging trabaho niya. Na-miss din daw niya ang kanyang pamilya sa Iloilo.

After na pumasok sa Top 21 ng Miss Universe 2020 sa Florida, hindi muna umuwi si Rabiya sa Pilipinas at nagbakasyon muna. Regalo raw niya iyon sa sarili after months of training for the Miss Universe pageant.

Personal na nagpasalamat si Rabiya sa Filipino communities sa New York City, San Francisco, Napa Valley, San Jose and Los Angeles na sinuportahan siya sa pageant.

Anak ni Roxanne, naka-isang buwan na!

Proud mama si Roxanne Barcelo nang mag-turn one month old ang kanyang first born na si Baby Cinco.

Pinost ni Roxanne sa Instagram ang series of photos ni Baby Cinco noong umabot na ng five weeks this month of June.

Nitong June lang din pinost ni Roxanne na nanganak na pala siya. Noong April ay ni-reveal ng aktres sa kanyang vlog na malapit na siyang manganak sa isang baby boy.

Marami na ang nangyari sa buhay ni Roxanne simula noong ikasal siya noong December 2020. Hanggang ngayon ay sikreto pa rin kung sino ang mister at ama ng kanyang anak.

Masyado raw kasing pribado ang pamilya ng mister ni Roxanne kaya nirerespeto niya ang hiling nitong huwag siyang pangalanan o ipakita ang mukha sa social media accounts.

Arnold at Maria Shriver, magsi-settle na lang

After four years, umuusad na ang divorce ng estranged couple na sina Arnold Schwarzenegger and Maria Shriver.

According to legal docs, Arnold filed a declaration of disclosure, signifying they may be close to a settlement.

Ayaw na sigurong patagalin pa ng both parties ang divorce procedure kaya napagdesisyunan na lang na makipag-settle. Kasama sa naturang settlement ay ang iba’t ibang assets nina Arnold at Maria tulad ng pera, at ilan pang pag-aari nila.

Wala na silang problema sa child custody dahil adults na ang apat nilang anak na sina Katherine, Christina, Patrick at Christopher.

May 24-year old illegitimate son naman si Arnold named Joseph mula sa kanilang housekeeper na si Mildred Baena.

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with