^

Pang Movies

Jean, galit sa ­pagmamakaawa ni Alwyn kay Jennica

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jean, galit sa ­pagmamakaawa ni Alwyn kay Jennica
Jean

Patuloy pa rin ang paghingi ng tawad ni Alwyn Uytingco sa estranged wife na si Jennica Garcia. Makikita sa kanyang Instagram page ang sunud-sunod na pagsisisi niya at paghingi ng isa pang pagkakataon para maitama ang kanyang kamalian.

Sa latest post ni Alwyn kahapon ay nag-upload siya ng throwback photo nila ni Jennica during happier times. Sa caption ay ipinahayag ng aktor ang pagmamahal sa estranged wife at ang halos pagmamakaawa na bigyan pa siya ng isang chance.

“Mahal kita, @jennicauytingco. Sorry sa lahat ng pagkukulang ko. Patawad sa lahat ng pagkakamali ko. Di mahalaga kung ano sabihin nila.. ang mahalaga para sakin ay mga salita na manggagaling sayo. Natalisod man ako, hindi ko hahayaan na nandito lang ako. Babangon ako, mahal. At patuloy na babagtas patungo sayo. Mahal na mahal kita,” ang caption ni Alwyn.

Matatandaang kinumpirma ni Jennica nitong nakaraang Mayo na hiwalay na sila ni Alwyn sa isang panayam sa GMA 7. Walang detalyeng ibinigay ang aktres kung bakit sila naghiwalay.

Since then ay panay na ang post ni Alwyn ng kanyang paghingi ng tawad sa asawa. Dedma naman si Jennica sa posts ng aktor. Pero ang hindi nakapagpigil ay ang ina niyang si Jean Garcia.

Sa posts ni Alwyn ay sunud-sunod din ang sagot ni Jean at halatang imbiyerna siya sa manugang.

“Talaga ba yan Alwyn?!!! Sana sinagot mo message ko sayo…respeto kase yon bilang magulang ni Jennica. Kausapin mo kaya ako para magkaintindahan tayo! Ok ka lang ba?!” ang komento ni Jean sa isang post ni Alwyn.

Hindi pa rin nagpaawat ang aktres at nag-iwan din ng comment sa birthday message ni Alwyn sa anak na si Alessi.

“Haaayyy kawawa kase ikaw di ka marunong makipag-usap Alwyn, respeto lang hinihingi ko sayo, di ka marunong rumespeto sa mother in law mo…yun lang naman…just saying!!!” comment ni Jean.

Matatandaang ikinasal sina Alwyn at Jennica noong 2014. May dalawa silang anak na babae, sina Athena Mori and Alessi.

Erich, direktor na rin ng series

Once and for all ay nilinaw ni Erich Gonzales ang matagal nang tsika na niligawan siya ng Thai superstar na si Mario Maurer na matatandaang naging leading man niya sa pelikulang Suddenly It’s Magic noong 2012. “False ‘yan talaga,” sey ni Erich sa kanyang guesting sa Magandang Buhay aired last Monday.

Pero inamin naman niyang may communication pa rin sila ngayon ni Mario at dapat nga raw ay pupunta sa Pilipinas ang binata last year pero nagkataon namang nagkaroon ng pandemic.

“Sabi ko sa vlog, gusto nilang pumunta roon sa magandang beach talaga. Sabi ko, ako ang tour guide nila, pero hindi pa natuloy. Pero itutuloy natin ‘yan. Mario ha? Keep in touch pa rin, siya at saka ‘yung team niya,” kuwento ni Erich.Not only that, maging ang family ni Mario ay nakilala na rin niya. “Na-meet ko ‘yung brother niya saka ‘yung mom niya. ‘Yung brother niya, nu’ng mayroon siyang ini-release na kanta,” sey niya.

Nakiusap daw si Mario Maurer (Mario’s brother) sa kanya na idirek niya ang music video ng song nito.

“So ‘yung Won’t Let You Go ni Mario Maurer, shinoot natin ‘yan sa Manila actually. So, they went here,” tsika pa ni Erich.

Pag-i-inform naman ng host na si Melai Cantiveros, talaga raw nagdidirek na rin kasi si Erich at ang aktres din ang director, producer at aktor ng bagong digital series.

vuukle comment

ALWYN UYTINGCO

JENNICA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with