Gary, may ‘di malimutang encounter sa dating pangulo
Ang ganda ng memories ni Gary Valenciano kay the late former President Noynoy Aquino. Ito ay nang ganapin sa bansa ang APEC kung saan maraming local artist ang nagkaroon ng chance na ipakita ang kanilang husay sa Asian leaders na dumating sa bansa at nakiisa noon sa APEC (2015) kasama na si Gary.
“I saw him standing all on his own with no one else beside him, occasionally sipping a drink from his can of what looked like Coke Zero as he watched from some distance his team enjoy the music the band was playing. It was then that I thought of taking the chance of just going up to him to say thank you and congratulations. As I slowly walked up to him I could see that he looked well pleased with the how everything turned out. I stood by him and when he saw me he simply said “haaay Gary”
Like one sigh of both relief and fulfillment. That was my one and only solo moment with this man. I will never forget you sir. And now please allow me to say with all my heart for all you’ve done…thank you.”
Guesting ni James kay Korina, naalala sa pagpapatawad ni PNoy kay Kris
Awww, sangkot diumano si James Yap sa isa sa pinagmulan ng pagkakasira ng magkapatid na sina the late former Pres. Noynoy at Kris Aquino noon.
Ayun sa source na malapit sa pumanaw na dating pangulo ng bansa, isa sa diumano’y rason kung bakit ‘di nagkasundo noon ang magkapatid na sabi ni Kris ay napatawad siya bago namayapa ay ang guesting ni James sa show ni Korina Sanchez na Rated K na napapanood pa noon sa ABS-CBN.
“Naalala mo ‘yung nag-guest si James sa Rated K ni Korina? That was 2018. Di ba after ng airing noon, naglabas ng galit sa social media si Kris,” umpisa ng source. At pinadala nga niya ang ipinost ni Kris noon na : “Sampal sa mukha ko ang inilabas na feature ngayong gabi nung misis ni Mar Roxas. Yes, pinepersonal ko dahil binuwis ko ang kinabukasan namin ng mga anak ko ng walang inasahang kapalit. At ang ganti sa ‘kin at sa mga anak ko ngayon ay binida pa ang deadbeat na tatay... I apologize sa Kuya ko (PNoy), humihingi rin ako ng paumanhin sa ninang ko na nanay ni Mar – pero klarong klaro sa ‘kin kung bakit ang nanalong pangulo ay si Duterte.”
At ‘yun nga raw ang isa sa pinag-umpisahan ng hindi pagkikibuan ng magkapatid dahil dinamay na si Mar Roxas hanggang ‘di na raw pinapadala ni Kris si Joshua kay Pres. PNoy na lagi raw noon nitong ine-expect.
Hanggang nasundan daw ‘yun ng speech sa 36th death anniversary ni Ninoy Aquino sa Manila Memorial kung saan wala noon ang namayapang dating pangulo ng bansa. Bahagi ng speech ni Kris noon : “He is sick. He’s not okay. I’m not at liberty to say what’s wrong with him because its up to him, but kinabahan ako kagabi,” na pinagmulan ng maraming speculations ng sakit ni former president.
“‘Yun ang alam ko ha na pinagmulan nun,” banggit pa ng source.
- Latest