^

Pang Movies

Geneva takot masira ang relasyon kay Jeffrey

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Geneva takot masira ang relasyon kay Jeffrey

Parehong loveless ngayon ang mag-best friends at dalawa sa original members ng dating teen group na Smokey Mountain noong late ‘80s to early ‘90s na sina Geneva Cruz at Jeffrey Hidalgo kaya hindi maiwasang ma-link ang dalawa sa isa’t isa.

Naging bukas na aklat ang personal na buhay ng singer-actress na si Geneva magmula sa kanyang pagpapakasal sa kanyang naging unang asawa, ang musician at dating miyembro ng Introvoys na si Paco Arespacochaga kung kanino siya nagkaroon ng isang anak, ang now US-based na si Heaven Arespacochaga (25). After Paco ay muling nagpakasal si Geneva sa dating DJ-host at actor na si KC Montero. Hindi sila nabiyayaan ng anak pero tatlong beses nagka-miscarriage ang singer-actress noong nagsasama pa silang dalawa bilang mag-asawa. After eight years ay muling nagkahiwalay sina Geneva at KC na meron nang ibang pamilya ngayon tulad ng unang husband niyang si Paco.

Muling na-in love si Geneva sa isang Filipino-Australian guy na si Lee Paulsen and they were engaged to be married. Pero walang kasalang naganap sa kanilang pagitan dahil muli silang nagkahiwalay at a time that Geneva was pregnant with their child na si London (girl) now seven years old.

As fate would have it, muling nagkaroon ng ibang karelasyon si Geneva sa isang American concert producer guy na si Nicolaus Booth noong nasa Amerika ang actress with her two children pero hindi rin ito nag-last.

When Geneva decided to return to the Philippines, isa si Jeffrey sa kanyang naging constant companion dahil bukod sa sila’y magkaibigan, komportable sila sa isa’t isa. May pagkakataon pa ngang nagkasama silang dalawa with friends sa Boracay.

Nang magkasakit ang mom ni Geneva for COVID-19 na siyang ikinamatay nito, naroon si Jeffrey for her, maging ang pagyao ng tiyahin ng actress (nang dahil din sa COVID-19) 10 days after ng kanyang ina ay hindi rin nagpabaya ang singer-actor-director. Nang sumali naman si Geneva sa recently-concluded Your Face Sounds Familiar (YFSF) new season, isa si Jeffrey sa sumuporta sa kanyang entire journey sa YFSF.

Dahil sa pagiging extra close nina Geneva at Jeffrey sa isa’t isa at maging sa kanilang respective families ay hindi mapigilang ma-link sila sa isa’t isa bagay na tinatawan lamang ng dalawa.

“We’re friends,” natatawang pahayag ni Geneva. “Sobra kaming komportable sa isa’t isa,” dugtong pa niya.

Pero parehong bukas sina Geneva at Jeffrey sa posibilidad na maging sila. Ang kinatatakutan lamang ng singer-actress ay ang masira ang kanilang pagkakaibigan ni Jeffrey.

Ang hindi alam ng lahat ay naging high school crush ni Jeffrey si Geneva at niligawan pa umano niya ito pero nabasted umano siya. Si Geneva pa ang nakapareha ni Jeffrey sa kanilang grand ball noong high school.

Although nagkaroon ng ilang girlfriends si Jeffrey in the past never ito nauwi sa kanyang pag-aasawa kaya hanggang ngayon ay single pa rin siya.

Jao, ginawa uling bida

Hindi ikinakaila ng actor-painter na si Jao Mapa na na-excite umano siya sa kanyang pagbabalik-pelikula matapos siyang mag-sign up ng exclusive management contract with Viva Artists Agency recently.

Although bukas si Jao sa supporting roles, nagulat siya nang siya’y gawing leading man ng young Viva actress na si Rhen Escaño sa pelikulang Kung Hindi Man mula sa panulat at direksiyon ni Yam Laranas. “It was a smooth-sailing shoot,” pahayag ni Jao.

Nang matapos ang kanilang shooting ni Rhen ay niregaluhan niya ang kanyang leading lady ng isang native bag na kanyang pinintahan at natuwa naman ang Viva actress. “Thank you, Kuya Jao,” ani Rhen na isa sa young talents na tinulungan noon ng Master Showman at star builder na si German `Kuya Germs’ Moreno sa kanyang now-defunct late night show sa GMA, ang Walang Tulugan with the Master Showman.

vuukle comment

GENEVA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with